Dylan's POV
Dalawang araw na ang nakakaraan simula nung naganap yung laban nila Fiona at ng Deadly Chix. Dalawang araw na rin ang nakakalipas at maraming nagbago.
Bumalik ulit sa dati si Xavier at mas naging cold. Si Alexis at grayson naman mag on na. Ang bilis nga eh.
Si Grayson naman ay nililigawan si Sam pero laging nakadikit kay Czarina.
Ako naman mukhang tinamaan na rin. Nangyari yung insidenteng 'to nung nalaman ko palang bawal siya sa chocolate.
Nung time na yun na guilty ako. Gustong gusto ko siyang alagaan nung time na yun kaso ang hirap niyang ma reach. Hindi kasi makausap ng matino.Ngayon ay wala parin kaming balita kay Akane. Ang sabi sakin ni Akira nawawala daw siya pagtapos nung laban nila ni Fiona.
Si Fiona naman ay hindi narin pumasok simula nung laban nila.
Hindi ko alam kung anong iisipin. Parang ganito lang din yung nangyari nung nawala si Aisaka. Parehas sila ng epekto kay Xavier. Pero mas malala ang epekto ni Akane."Bro kain tayo." Yaya sakin ni Gabriel. Tumango lang ako.
Pagkapasok namin sa canteen ay hinanap agad namin ang grupo ng Deadly Chix. "Hindi niyo yata kasama yung dalawa?" Tanong ni Amanda samin. Alam na namin na hindi siya si Rei. Umamin siya dati saming lahat.
"Nag-date na naman yun. Hayaan niyo nalang." Sabi naman ni Gabriel. Napatawa lang sila. Nilingon ko si Lyca na tahimik lang na kumakain.
"Baka naman matunaw yan?" Narinig kong sabi ni Czarina. Dahil sa pagkabigla ay parehas kaming nagkatitigan. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Tsk." Tanging nasabi ko lang. Tumayo agad ako at naglakad paalis. Hindi ko namalayan na nasa rooftop pala ako nakarating.
Humiga ako at tumingin sa kalangitan. Nakakarelax rin pala ang tumingin sa langit lalo na kung asul na asul yung langit isama mo pa yung ulap.
Bigla kong nakita yung mukha ni Lyca. Haaay! Nag-iimagine na naman ako.
"Baliw ka." Biglang nagsalita yung mukha ni Lyca. Nababaliw na talaga ako. Nakita kong tumawa yung mukha niya kaya bigla akong napabalikawas ng bangon.
F*ck! Hindi siya imagination kundi totoo! Nakakahiya talaga!
Natigilan lang ako ng matinig yung tawa niya. Parang kanta lang na ang sarap pakinggan. First time ko lang siyang nakitang tumawa kasi lagi ziyang naka poker face.
Tumigil siya sa pagtawa ng marealize niya sigurong tinitingnan ko siya. "Ini-imagine mo ako noh?" Nakangisi niyang tanong.
"H-hindi noh! Kapal mo ah!" Tanggi ko kahit totoo. Nakita ko siyang nag smirk.
"Talaga? Kaya pala nung tiningnan kita nangingiti ka? Ano ka baliw?" Sabi naman niya. Hindi ako nakaimik dahil totoo ang sinabi niya.
Nagulat ako ng bigla siyang humiga sa tabi ko. Pinagmasdan ko lang siya. Napakaamo talaga ng mukha niya. Kaya ako nainlove eh-- erase! Erase!
"Alam mo kung hindi dahil sayo hindi ako magkakaganito." Narinig kong sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong.
"Naalala mo yung chocolate na natapon sakin? Nang dahil dun bumalik yung dating ako." Sabi niya tsaka mapait na ngumiti. Napansin ko yung pagbabago ng expression niya. Naging malamlam ang mga mata nito.
"Pero alam mo, masaya ako. Salamat sayo at naramdaman ko ulit ang magkaroon ng emosyon. Nagyon nalang ako tumawa, magalit at maging masaya. Akala ko dati walking dead ako eh."
"Hahaha. Ngayon nalang din ako magdaldal. Sana satin-satin lang 'to. Pede ba?" Sabi niya ng tumingin sakin tsaka ngumiti.
"Sige." Sabi ko at ngumiti rin.
Ngayon lang din ako sumaya at magmahal muli.
***
Akiro's POV
"May balita na ba kay Princess?" Tanong ko sa kadadarating lang na si Hayato.
"Wala pa kaming lead." Sabi nito. Napahilamos ako ng mukha.
Bakit ba lagi nalang akong pinag-aalala ng kambal kong yun? Pasaway talaga.
"Akiro, may nakuha akong lead kay Akane." Bungad ni Aki sa amin. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Where is she?" Tanong ko agad.
"Easy. Here." Sabi niya at may inabot saking sobre. Kinuha ko naman iyon at binuksan. Nakita kong sulat iyon na galing kay Akane.
Dear Onii-chan
Kung mababasa mo to ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala diyan dahil nasa mabuting kalagayan ako. Onii-chan, about the remaining weeks of the Clan War, I've decided that i have to be strong enough so that i can fight them back. Also, I have a favor to ask. Huwag niyo ng ipaalam sa Night Raid kung nasan man ako. Paki sabihan din ang Deadly Chix na maraming salamat sa tulong nila at balang araw ay baka kakailanganin ko ang tulong nila ulit. Onii-chan, mahal na mahal ko kayo nila Hikari, Hayato at Aki. Mag ingat kayo dyan. Huwag niyong pababayaan sarili niyo. I promised that i will come back but not now. I have something to do. Kayo ng bahala diyan. I love you all :)
Hime....
Pagkabasa ko ng sulat niya ay muntik na akong maiyak. Narinig ko lang tumawa sila Hayato.
"Anong tinatawa niyo." Nakasimangot na sabi ko. Tinakpan lang nila yung bibig nila tsaka umiling.
Siguraduhin mo lang na uuwi ka princess. Baka mabaliw ako niyan.
"Tara kain tayo" yaya ko sa kanila. Nagkatinginan lang silang dalawa na halos hindi makapaniwala.
"Ayaw niyo? Nagbago na isip ko."
"Joke lang! Di ka naman mabiro. Tara na!" Sabi ni Hayato sakin. Napangiti nalang ako.
Hindi porket wala ka hindi na kami magiging malungkot. Alam kong ayaw mong malungkot kami kaya sisiguraduhin kong magiging masaya kami kahit wala. Naniniwala akong isang araw ay babalik sa amin. Hihintayin ko ang araw na yun princess.
***
Bitin ho ba???
Sorry po bawi nalang ako..
Hahaha ^_________^Enjoy !
Enjoy !:) :) :) :)
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...