♚ITCYP18♚: TWINS

37.9K 1K 33
                                    

Akane's POV

Mabilis kaming nakarating ni hottie ko sa bahay nila Sam. Pagkapasok ko palang sa loob ay nabungaran ko na agad sila Sam at kuya na nag-uusap. Nang mapansin nila kami ay parehas silang napalingon sa amin.

"Princess kooh~" masayang sabi ni kuya at lumapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang nagpout.

"I'm taking you with me." Sabi niya at kumindat.

"Why?" Takang tanong ko.

"Dad told me."

"Fine." Sabi ko nalang. Nakita kong tiningnan ni kuya si hottie ko.

"Who is he?" Tanong ni kuya sa kasama ko.

"I'm her boyfriend." Walang gatol na sabi ni hottie ko. Bigla tuloy akong napalingon sa kanya pero nginitian nya lang ako.

"WHAAAT!?" Sabay na bulalas nila kuya at Sam.

"Hoy! Kailan pa naging kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam habang pinanlalakihan ako ng mata.

"Kanina lang." Hindi makatinging sabi ko. Nabigla ako ng yakapin ni kuya at kunwaring umiiyak.

"Huhuhu! Dalaga na ang princess kooh~Huhuhu~Selos na ako! Huh-- Aray naman eh." nakapout na sabi niya. Nabatukan ko nga.

"Para kang ewan!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Napaatras naman siya bigla. Muntik na tuloy akong tumawa.

"Hehe! 'Di ka naman mabiro princess. Peace tayo. Pleash~" sabi niya habang naka peace sign.

"Saan kana titira Akane?" Narinig kong tanong ni Sam sakin.

"Sa bahay namin dito sa pilipinas." Sabi ko.

"Meron pala kayong bahay dito eh. Bakit 'di ka pumunta dun dati?" Takang tanong ni Sam. Napakamot tuloy ako sa ulo ko at tsaka ngumiti.

"Hehehe. Nawala sa isip ko'" Nahihiyang sabi ko. Bigla naman silang tumawa lahat. Bigla nalang napahinto si Sam sa pagtawa at nanlaking matang nilingon si hottie ko na tumatawa. Halos hindi makapaniwala ang reaksyon ni Sam sa nasaksihan.

"Himala! Si Xavier tumatawa?! Waaaaah! Magbunyi tayo! Hahaha." Masayang sabi ni Sam habang pumapalakpak.

"Tss." Sabi ni hottie ko at bumalik ulit sa pagiging poker face ang mukha niya. Napasimangot tuloy ako bigla.

"Princess kailangan na nating umalis. Naghihintay na sila Hayato at Hikari satin." Bulong ni kuya sa tabi ko. Tumango nalang ako bilang tugon.

"Uhm.. Kailangan na naming umalis Sam." Sabi ko.

"Waaah! Mami-miss kita Akane!" Sabi ni Sam. OA lang teh?!

"Magkikita pa naman tayo sa school eh." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Tumango lang siya.

"Ingat ka ah!" Nakapout na sabi niya. Tumango lang ako tsaka ngumiti. Sunod ko namang nilingon si hottie ko.

"Baby ko mag-iingat ka sa byahe. I'll see you tomorrow. Bro, ikaw na bahala sa kanya." Sabi ni hottie ko. Kiniss niya ako sa forehead ko at ngumiti. Shemay! Kenekeleg eke! Ene beh!

"Okay. Alis na kami." Sabi ni kuya at hinila na ako paalis. Pano ba naman kasi. Matulala daw. Hindi ko namalayan na nakasakay na pala kami sa kotse niya.

"Hoy!" Tawag pansin sakin ni kuya. Bigla naman akong natauhan at gulat na napalingon sa kanya.

"Bakit?" Nakakunot noong tanong ko.

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon