Xavier's POV
Kanina pa ako nakatulala sa upuan ni Akane. Hanggang ngayon kasi wala pa siya. Kanina kinuwento sa amin nila Alexis at Grayson yung nangyari sa kanila kahapon. Lahat kami hindi makapaniwala. Minsan napapaisip ako kung ano ba talagang klaseng tao si Akane. Mahal ko siya kaya minsan parang ayokong maniwala sa dinidikta ng isip ko tungkol sa kanya.
Isinasantabi ko lang yung mga hinala ko sa kanya. Ngayon marami pa akong kailangang intindihin. Ngayon na kasi yung araw ng laban namin sa Death Trios.
"Hey dude! Anyare sayo?" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko kaya bigla kong binatukan sa Grayson.
"Aray naman." nakapout na maktol niya.
"Shut up."
"Anong problema mo dude?" Nagtatakang tanong ni Dylan. Umiling nalang ako.
"Namimiss niya lang yung love of life niya!" Sabat naman ni Grayson. Bigla ko siyang sinamaan ng tingin kaya binatukan siya bigla ni Alexis. Napabuntong hininga nalang ako.
"Xavier' canteen tayo." Tumango nalang ako at tumayo. Dumiretso na kami papunta sa canteen. Nang makarating kami sa cannteen ay napansin namin si Rei na parang balisa.
"Ano kayang problema nun?" Nagtatakang tanong ni Sam. Nagkibit balikat lang ako.
"NOO~IM SORRY NA! PROMISE GAGAWIN KO NA!" Narinig naming sigaw ni Rei kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakita ko sa ekspresyon niya ang takot. Napakunot naman nung yung noo ko. Maya maya ay bigla nalang siyang tumakbo paalis ng canteen. Ano kayang problema nun?
***
Amanda's POV
Tunakbo ako palabas ng canteen at dumiretso sa garden. Mabilis kong kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag.
"Hehe. Akane, sorry na. Waaaah! Promise gagawin ko na yun. Wag kana magalit." sabi ko kay Akane sa kabilang linya.
(Don't be OA amanda. Hindi naman ako galit eh. Basta ikaw na bahala kay Akira. Papunta na sya dyan.)
"Okay! Ano ba itsura nya?" Tanong ko.
(Nasa likuran mo.) Nalito ako sa sinabi niya kaya biglang napakunot yung noo ko.
"Huh? Anong nasa likod ko." Taka kong tanong.
(Tumingin ka sa likuran mo.) Ginawa ko naman yung sinabi niya kaya lumingon ako sa likuran ko. Muntik na akong ma out of balance dahil sa gulat.
"K-kailan ka pa dyan?!" Gulat na tanong ko pero hindi siya sumagot at tiningnan niya lang ako.
(Amanda, samahan mo siya kay ninong.)
"Ayy! Akane, kailan ka ba pupunta sa arena?" Tanong ko sa kanya.
(Mamaya.)
"Hinahanap ka na nila. Bakit ka kasi umabsent?"
(Hindi ako makakasabay sa kanila. Basta gawin mo nalang yung sinasabi ko Amanda.)
"Wait lan--Ayy! Pinatayan ako grabe." May itatanong pa sana ako eh. Nilingon ko si Akira. Kung hindi ako nagkakamali siya yung kaibigan ni Akane pero bakit siya nerd? Weird naman.
"Can we go now?" Cold na sabi niya. Bigla naman akong pinagtaasan ng mga balahibo sa sobrang lamig ng boses niya.
"Ahh. Hehe. O-okay." Kinakabahang sabi ko kaya nauna na akong maglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Kahit na isa akong gang leader ay natatakot pa rin ako dito. Nung una kay Akane at ngayon naman sa taong nasa likuran ko. Grabe!Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...