"I mean gabi na. Delikado na sa daan. Pero syempre may kotse ka nga naman. Baka lang kasi, ano, malay mo may makasalubong kang mga lasing na driver at magkabanggaan kayo. O kaya naman ma-Wrong Turn ka...."
I'm talking gibberish na, I know at pinapahiya ko lang sarili ko. He just smiled and stopped me from talking.
"You sure?"
Napa-isip ako. Sure ka nga ba Danica? Kung gusto mong mag-back-out ito na yung perfect time.
"Oo naman." Yun na lang nasagot ko.
-------------------
Nabigla parents ko nung pumasok akong kasama si Albert. Tumayo lang kami sa hallway at nagtitigan for precisely 3 minutes bago ako nagkalakas ng loob para magsalita.
"Ma, Pa. Kilala ny'o naman po si Albert diba?" Tinignan ko muna si papa, papunta kay mama at ang namumutlang si Albert. Walang kumikibo. "Gagawa po kami ng narrative report tungkol sa grandparent na tinulungan namin ngayon. Yun po kasi yung exam namin."
Actually individual work yun pero dahil sa wala na kong maisip na ibang excuse yun na lang. I just crossed my fingers na hindi nila mahalatang kasinungalingan lang ang lahat.
"Bakit ngayon kayo gagawa e dis oras na ng gabi?" Ayan na si papa. Nagbubuga na ng usok ilong n'ya. "Ipagpabukas n'yo na lang yan o kaya.."
"O kaya umakyat na kayo sa kwarto at gagawa ako ng cookies habang nanonood ang papa n'yo ng PBA. Di ba Pa?"
I so love my mom. You're my savior! Walang palag si papa pag si mama na ang nagsasalita. Girl power e. I mouthed her my thank you as we walked passed them.
"Wooh. Kala ko kung ano ng gagawin ng papa mo e."
Pareho kaming nakahinga ng maluwag nung nakarating kami ng maayos sa kwarto ko. Nanlalamig kamay ko kanina sa kaba nung kausap sina papa, ngayon? Nanginginig ang tuhod ko dahil first time kong magdala ng ibang tao sa kwarto. At worst, lalaki pa nga. Kahit si Albert yan, lalaki pa din s'ya.
Umupo ako sa edge ng kamay, I asked him to sit with me pero dun s'ya sa upuan ng study table ko umupo.
"You sure na okay lang na dito ako matulog?"
Tinitigan ko ng maigi si Albert. Okay nga lang ba? Thinking about it, he's been gentle to me. He is always gentle and I know deep down he won't deliberately do anything to hurt me. E ano ngayon kung babae ako at lalaki s'ya? Pusong babae din naman s'ya e.
"This is my first slumber party Albert, don't spoil it."
He knows I'm teasing so he flashed me his dashing smile.
"So anong gagawin natin?"
"You tell me."
Tumaas kaliwang kilay n'ya. Aba nagpapa-cute ang bata. Nagtitigan lang muna kami. I know this game, sinong unang magbreak ng eye contact talo. Nung una kumbinsido akong ako ang mananalo tulad ng dati. Pero nung lumipas na ang 20 seconds iba na. Napapalunok na ko. May tension sa room o baka naman sa isip ko lang yun? Hindi ko na kinaya kaya ako na ang nagbreak ng eye contact.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...