"Araaay! Dahan dahan naman Sasha."
"Napaka sensitive mo naman. Ikaw na nga ginagawan ng pabor."
"Araaay! Grabe tama na. Hindi ko na kaya. Hu hu."
"Magtigil! Para kang bata, tapusin ko lang 'to para yung kabila naman."
"Ano? Pati yung kabila?"
"Malamang. Gusto mo magmukhang Shrek paghindi binunot yung kabilang kilay mo?"
Mangiyak ngiyak lang akong umupo at pinilit pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko. Nasa bahay kami ngayon, masyado daw kasing madaming buhok ang kilay ko, sabog pa. Kaya napagdiskitahan ni Sasha.
-------------------------
"Ano ba yan Danica. Para kang dinasour maglakad."
Paglakad naman with 5 inches heels ang trip ng lola n'yo. Kasalanan ko bang first time ko din magheels ng ganito? Sana man lang sinimulan n'ya sa 2 inches diba.
Hindi ko alam kung kelan ako pumayag na sumali sa contest contest na yan, next thing I know e kinikinis na ang legs ko at sinusukatan ng contact lens para wala na daw salamin.
--------------------------------------------------
Moment Of Truth. Araw ng mga Panget, I mean Contest na.
"Sasha kelangan ko bang gawin 'to?"
"Andito ka na. Nakasuot na nga yang Versace na dress na pinahiram ko, pina make up na din kita at inayusin ng buhok sa make up artist ni Sandara Park ngayon ka pa aayaw? You look pretty," sabay push ng bongga. " Now go and make me proud."
She gave me a confident smile sabay kembot paalis. Pipila na ko sa back stage dahil dun daw mga contestants. Kanina ko pa hinahanap sina Kent at Albert pero no luck. Kinakabahan ako, nakakaihi naman, wala bang kasirola dito? Ang layo ng cr e tska hindi ko kayang maglakad ng ganito, nakakumot kaya akong pumasok ng school. Pinagtitinginan nga nila ako pero mas okay na yun kesa makita nila ang legs ko. Waaaaah.
"Look who's here?"
Tasha. Great. Nasaan na ba ang mga prinsepe ko pag kelangan ko sila. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng palda ko. Ayaw ko silang lingunin dahil paniguradong pagtatawanan lang nila ako ni Tyra.
"Ilang layers ng make up ang nilagay ni Sasha para takpan mga flaws mo sa mukha, ha Danica?"
Dagdag pa ng bruha.
"Where's your manners?" Nanigas ako nung si Tyra na nagsalita. "Tumingin ka nga samin pagkinakausap ka." Sabay hila sa kamay ko at napaharap ako ng bongga.
I saw the shock in their faces. Yung shock na hindi dahil nakita nila ang live figure ni Shrek kundi yung tipo ng shock na nakakanganga dahil sa ganda. Oh di ba ang cliche, typical at ang OA ng reaction. Ganun talaga, lahat ng istorya ordinaryo nagiging unique lang dahil tayo ang gumaganap. Haha. Wala ata silang balak magsalita o isara man lang ang mga bibig nila kaya naglakad na ko palayo.
"Nikka."
"Danica."
Sabay pang tinawag ang pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin, sa kanan o kaliwa? Pag sa kanan ako tumingin baka magtampo si Albert dahil si Kent ang una kong nilingon. Kung kaliwa naman si Kent ang magtatampo. Ang hirap naman dapat kasi iisang direksyon lang ang pinanggagalingan nila ng wala ng pagpiling nagaganap.
"Wow you look.. Beautiful."
Nabigla ako nung naramdaman ko yung hawak ni Albert sa shoulder blades ko. Bilog na bilog ang mata at manghangmangha sa nagawa ng make up. He looked at me from head to toe.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
Roman d'amourWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...