"See you in the cafe. 5:00pm sharp."
Paulit ulit kong binasa yung message sa screen ng cellphone ko. Hindi ko na kelangan tanungin kung sino tong unknown number na nagtext. Kent. That jerk! At sya pa talaga nagsabi kung kelan at saan. So ako talaga mag-aadjust for him? Huminga na lang ako ng malalim. Naalala ko kasi yung grateful eyes ni Sir nung sinabi kong tatanggapin ko ang pagtuturo.
"Bring your calculator. Algebra ang una kong ituturo. And don't forget to bring your brain with you. Baka maiwan mo na naman sa gym."
Hindi ko na hinintay reply nya. Mean na kung mean. E kung sa he pissed me off e. Nilagay ko na ung cellphone ko sa bag. Hindi pa ko nakakahakbang e nakita ko na ang It Girls. Seriously? Won't this day get any worse than this?
"So ano yung nabalitaan namin kahapon na habulan nyo ni Kent sa campus?"
Bungad ni Sasha maldita.
"Hindi ka pa nakontento kay Albert, pati ba naman si Kent? Dream on girl."
Taas kilay na sabi ni Tasha. Magsasalita na sana ako. Kaso kinat ako ni Tyra.
"Honey, why don't you just go and have a serious relationship with your books? Tutal kayo lang naman ng libro mo ang nagkakaintindihan e. Believe me you don't wanna cross paths with us. Like we're The It Girls of the campus and you're like whatever." She smiled that really annoying and plastic smile. "Have a good day."
Pinanood ko sila maglakad palayo. Pa-sway sway pa ang balinkinita nilang katawan habang gumigilid yung mga nakakasalubong nila. Parang yung paghati ni Moises sa dagat. Naglakad na din ako papuntang classroom. I have no time for them. Pero deep inside, how I wish na sana may ganun din akong confidence at ganda.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
"You're late."
Daig pa ang principal kung makasermon ang lalaking katapat ko sa table.
"And who is he?"
Sabay nguso sa katabi ko. Si Albert.
"Hindi ko kasi alam kung saang cafe. Very informative kasi yung text mo e. In case you don't know may limang cafes dito at wala akong kotse para isa isahin yun. So I bring Albert with me para tulungan ako maghanap." Besides, I don't trust you at natatakot akong maiwan kasama ka ulit. Bulong ko sa isip ko.
"Hi pare. Albert nga pala."
Inextend ni Albert kamay nya for a handshake. Kaso hindi pinansin yun ni Kent. Tumango lang sya. Manners! Dapat pala ethics muna tinuro ko.
"Coffee?"
Tanong ni Kent.
"Tea. Hindi umiinom ng kape si Nikka."
Naaalala pa pala ni Albert mga ganung bagay. Napa-smile ako.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
Roman d'amourWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...