Sabi nila pag may nawala may dadating. At pag may bagay na hindi na kayang hawakan pakawalan na. At bigyang halaga kung ano man ang naiwan. So what's the point of wallowing in my pillow for losing a great friend? Wala naman na akong magagawa dahil yun ang desisyon ni Kent. Masakit pero ganun talaga. Hindi man ako pabor naiintindihan ko naman kung bakit nagkaganon ang lahat. Oh well, papasok na ko. It's been a week since ng pag-uusap na yun and so far pareho kaming best actress at best actor sa pag-treat namin sa isa't isa bilang strangers.
"Good morning Nikka."
"Good morning Albert."
"Ang ganda ng ngiti mo ah. Parang blooming ka lately, hmmm may inspirasyon ka na ata?" May halong malisya este gleam sa eyes na tanong ni Albert.
"I have enough sleep na kasi. Ikaw ba naman matulog ng 10 hrs everyday diba."
"Kala ko pa naman..."
"Ano?"
"Wala. Bilisan natin maglakad sabi ko."
Everything's smooth sailing. Naglalakad kami ni Albert sa corridor ng maaninag ko si Kent. Lately napapadalas na sila ni Tyra na magkasama. Dirediretso lang kami ni Albert sa paglalakad.
---------------------------------------
"Nakakapagod ngayong araw."
Reklamo ni Albert bago namin pasukin ang last subject for this day.
"Masanay ka na. Malapit na tayo grumaduate e kaya pinapaspas na nila tayo."
"Are you free this weekend?"
"Huh?"
"Naisip ko lang, hindi na kasi tayo nakakalabas lately so baka gusto mong mag-unwind kahit minsan?"
"Pag-iisipan ko."
"Ano bang dapat pag-isipan?"
Sabay flash n'ya ng killer smile.
"Oo na. Basta ba libre mo."
"Osige. Wala ng bawian yan ha. 1pm sa dating tagpuan."
Maka-dating tagpuan naman daw sya oh. Dating tagpuan e kung saan kami unang nagkita noong first date namin. Thinking about it, ang tagal na nga nun ah. Ang dami ng nangyari.
------------------------------------------------------------------------------
"Hindi pa naman ako late diba?"
Nakita ko si Albert nakaupo sa bench ng park. Green t-shirt at skinny jeans ang porma ng kuya n'yo. Samantalang pretty in white dress naman ang peg ko. Minsan ko lang ilabas ang legs ko kaya pinanindigan ko na. Floral dress at kita ang tuhod. Nakalugay ang buhok ko ngayon iba sa laging ponytail na porma ko sa school.
"Ah tara na?"
Tanong ko kay Albert na walang ibang ginawa kundi tignan ako.
"Do I look weird?"
"Ha? Hindi. Actually ano.." Napakamot s'ya sa left cheek n'ya bago sumagot ng matino. "You're beautiful Nikka."
Sabay lakad ng matulin. Aba, iniwan ako. Ninamnam ko muna yung sarap sa pakiramdam ng pagkakasabi n'yang maganda ako bago ko s'ya hinabol.
-----------------------------------------
"Grabe hindi ako makapaniwalang pinapanood mo sakin yun."
"Haha wag ka nga. Nakikipagsabayan ka kaya sa mga bata sa kakatawan."
Kakatapos lang namin manood ng Despicable Me 2. Nakikibata ba. Hinawakan n'ya ako sa balikat palabas ng cinema.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...