Ang aga ko nagising! Actually hindi naman ako nakatulog ng maayos. Haha halata bang excited ako? Ilang beses ko sinuklay buhok ko, nabasa ko kasing mahilig daw mga lalaki sa straight hair. Hindi ko alam isusuot ko. First time ko e, sorry naman. Nagsuot na lang ako ng loose na damit tapos shorts. Kaso nahiya ako sa legs ko kaya nagpalit na lang ako ng skinny jeans at pink top para muka naman akong babae. Nung lalabas na ko, inasar pa ko ng nanay ko. Tumakbo na lang ako palabas para hindi na nya ako interbyuhin pa.
Mga 4:05 na ko dumating sa plaza. Ang sabi kasi ulit sa nabasa ko dapat daw nauuna ang lalaki kase sa babae pag may date sila. Nakonsensya naman ako nung nalate ako ng 5mins sana sinakto ko na lang na 4 para hindi halatang nagpapahintay ako. Luckily, andun na si Albert Angelo Pillorin Jr. Hindi ko alam kung ano itatawag ko sa kanya, Albert Angelo, Albert, Angelo? Ano ba?
"Junior!" Yun na nasabi ko. Gusto ko sana batukan sarili ko nakakahiya! Yun kasi nasa dulo ng pangalan nya kaya yun na lang nasabi ko.
"Junior? Haha first time may tumawag saking Junior ah." Ang ganda ng ngiti nya. Muka namang hindi sya nainis, amuzed lang kaya nagpa-shy smile na lang ako.
"Ano ba yung sasabihin mo?"
"Ah gusto mo mag-bowling?"
Nice. Marunong sya magdivert ng usapan.
"Hindi pa ko nakakapaglaro nun e." Totoo naman. Taong bahay ako kaya anong alam ko sa ganyan? Mag chess na lang tayo o kya scrabble edi game na game pa ko jan.
"Haha sige tuturuan na lang kita." Sabi nya sabay offer ng braso nya. Anong gagawin ko sa braso nya? Ahh baka hahawakan. Edi hinawakan ko. Nahihiya man akong aminin pero muka lang kaming tanga papunta sa magara nyang kotse.
Nung nasa Bowling Center na kami, hindi ko alam gagawin ko. Nagpalit kami ng shoes tapos he lead the way sa table at nag-order sya ng drinks, raspberry tea sakin at lemonade sa kanya at konting makukutkot. Halatang madalas sya dito kasi kilala sya ng mga crew. Naisip ko lang, dito din kaya nya dinadala mga chicks nya? Omg! So chicks nya din ako? Napangiti ako, hindi maiiwasan na-flatter ako e. Kahit ang lahat ng bagay ay nasa isip ko lang.
Magaling syang magturo. Dalawang beses akong nagkanal pero nung tumayo na sya, hinawakan nya kamay ko. Tinuruan nya ko ng tamang hawak, tamang tayo at porma pag-ihahagis na yung bowling ball. Sa sandaling paglalapit ng mga katawan namin hindi ko mapigilang maamoy perfume nya, Lacoste. Ang bango nya! Hala muka naman daw akong pervert nito haha tama na nga. Sabi nya ang galing ko daw kasi laging strike o kaya naman may naiiwang nakatayong isa o dalawang pins. Sabi ko naman magaling lang sya magturo.
Nung napagod na kami, niyaya nya ko kumain. Naglakad lakad muna kami para humanap ng makakainan. Nang may biglang lumapit sa amin. Kaibigan nya siguro.
"Bert! Oh pare kanina pa kita tinatawagan ah." Sabi ng kaibigan nyang malaki ang katawan at mala-JB ang buhok. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Para syang scanner sa airport at daig pa si Superman. "Umn, kasama mo?" Dagdag nya.
"This is Danica. She's a friend." Nakangiti syang nakatingin sa akin habang sinasabi nya yun. "Bawi na lang ako sayo pre next time at mukang gutom na tong prinsesa ko e." Then they bid their goodbyes.
Namula tenga ko. Hindi ko man nakikita pero alam kong namumula tenga ko. Prinsesa? Sya pa lang tumawag sa akin ng ganon. Mas muka daw kasi akong frog o kaya slave o kaya witch o kaya mga taong unang pinapatay sa mga horror film. Hindi ko na naman mapigilang ngumiti. E bat kasi ang galing nya magpakilig e? Haha halata naman kasing ayaw sa akin nung Ponsio Pilatong kaibigan nya.
Nung nakahanap na kami ng kakainan at naka-order na din kami. Umupo kaming magkatapat.
"Sorry kanina ah. Ganun lang talaga si Jay. Hindi lang siguro sya sanay na may kasama akong babae."
Hala hindi sanay? Ilan na ba naging gf mo? Baka hindi sanay na may kasamang babae na ganito itsura. Napasimangot ako. Kaso kung iisipin nga naman never kong nakitang may kasama si Albert na babae. May lumalapit, may kumakausap, pero never syang nakipag-usap o naiwang mag-isa kasama mga babae, lagi syang may kasama na lalaki o kaibigan. Siguro hindi sya sanay. May trauma? E bakit naman kaya? Tatanungin ko sana ng biglang dumating order namin. Wrong timing si kuya.
"Wag ka mahiya. Kain lang ng kain."
Ngumiti na lang ako. Ang sarap tignan, naglalaway na ko. Kaso hindi ko to alam kainin. Marunong ako kumain ng lobster ng nakakamay pero hindi ako marunong ng pasosyal na pagkain nito. Nagpapanic na ko. Gutom na ko e haha.
"Palit tayo ng plate." Sabi nya. Nahiwa na kasi yung kanya ready to eat na. Siguro nakaramdam syang hindi ko alam gagawin ko kaya nagpalit na lang kami. Ang bait nya talaga! Gwapo pa. Binigay ko na plate ko bago pa magbago isip nya haha.
Ang dami naming napag-usapan at ang dami ko ding nalaman. Sumali pala sya dati sa quiz bee sa Math at nag-national champion sya. Nag-try din sya magkarate nung lalaban na sya para pataasin belt nya, na-injured paa nya kaya hindi na sya napromote at ayaw na din nya. Nag-iisang anak lang sya at laging busy parents nya sa business kaya hindi sila gaanong close. Dun ko nalamang gusto pala nya maging painter at hindi businessman na gusto ng mga parents nya. Kung mag-usap kami kala mo close friends kami. Hindi namin namalayan gabi na pala. Hala 9:45 na! May curfew pala ako. Hinatid nya ko sa bahay. Kahit sa kotse e nag-uusap pa din kami. Kelan ba ko huling tumawa ng ganito kadalas?
"Salamat sa time Danica. Madaldal ba ko? Next time ikaw naman magkwento hehe. I wish to know you more. Goodnight." Sabay kiss sa noo ko.
Hindi ko alam gaano katagal ako nakatayo sa labas nung umalis sya. Kiniss nya ko sa noo! Hindi ba nakakakilig yun? Next time ikaw naman magkwento, so gusto pa nya maulit ulit? Game ako dyan. I wish to know you more, doon ako hihimatayin sabayan pa ng killer smile nya. I wish to know you more din sabi ko, sa isip ko nga lang.
Hindi ko alam kung bakit ako pa napili nyang kausapin ng araw na ito. Nalaman ko sa araw na to na hindi lang sa muka nya nahuhulog ang mga kababaihin, pati na din sa ugali nya. Ang dami nyang sinabi na sa akin nya lang daw sinabi. Feeling ko napaka special ko tuloy. Habang kinikilig ako sa tapat ng gate namin may umalulong na aso. Mas mabilis pa ko sa kidlat na pumasok sa bahay. Panira ng moment yung aso ng kapit-bahay. Kinikilig na ko e.
Hindi ko man natanong kung ano sasabihin nya. Siguro sa next time na sinasabi nya, dun ko na lang tanungin. Haha!
Date ba to? Ito ba ang first date ko o baka naman friendly lang talaga si Albert at gusto nya lang ng kausap? Kahit ano pa tawag sa ginawa namin ngayon, masaya ako. At yun ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...