ThirtyOne: Peanut Butter Love

1.1K 19 4
                                    

"Hi babe."

Tumayo ang balahibo sa batok ko nung narinig ko boses ni Kent.  At namula ang tenga ko nung bigla n'ya akong inakbayan. Nginitian ko s'ya, slowmo syempre at sabay siko ng malupit sa tyan n'ya.

"Ouch! Is that your morning greeting?"

"Isa pang babe hindi yan lang matitikman mo."

"Why? You're my girl friend now right?"

"Gi.. gi.. girl friend?" At talagang kelangan ngayon pa nag-stutter kung kelan I'm making a point? "Anong pinagsasasabi mo jan?"

"We kissed. And kisses are only shared with the person you reall~y like. Wag mong sabihing nakalimutan mo na? Gusto mo paalala ko s'yo?"

Nag-zo-zoom in na yung mukha n'ya nung biglang may nanghila sakin at tinakpan ang lips ko.

"So Nikka's my girl friend too?"

Biglang sulpot ni Albert. Anong meron, reunion?

"Huh?" Takang tanong ni Kent.

"Hey Nikka, he kissed you, I kissed you. So dalawa na kaming boy friend mo? Tsk tsk wala pa tayong isang linggo you're cheating on me na agad?"

Banat ni Albert na kala mo hindi nag-e-exist si Kent. May paghaplos pa ng cheeks ko na ngayon e nag-aapoy na, hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o dahil sa presensya ng dalawang gwapong nasa tabi ko.

"I'm hurt babe. Hindi pa ba ako sapat at kelangan mo pa mag-hire ng lampang payaso para patawanin ka? Ayaw ko ng may ka-share, so who's the better kisser?"

Sabat ni Kent after maka-recover sa sinabi ni Albert. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan papuntang cafeteria. Ito na siguro ang perfect moment para bumuka ang lupa at kainin ako ng buo.

"I'm not hungry. Magli-library muna ako. And please don't follow me." Sasagot pa sana sila kaso isang tingin ko lang nakalimutan na nila ang protesta. "Subukan n'yong sumunod," pinatunog ko knuckles ko to emphasize my point, "may kalalagyan kayo."

Kala ko susunod pa sila. Kaso pagdating ko sa library clear ang hallway. Walang bakas. Medyo disappointed. Haha joke! Nakakainis lang kasi they can act normal samantalang ako sinasalanta ng tornado ang utak ko.

Naupo ako sa sulok, dala ang librong hindi ko naman babasahin. Props lang ba.

"Seryoso?"

Napatalon ako nung narinig ko boses n'ya. Ang dami kong iniisip hindi ko namalayan na naka-upo na si Sir sa tapat ko.

"Kanina ka pa d'yan Sir?"

He looked at me a little longer and smiled.

"So kelan ka pa nahilig sa Human Anatomy?"

Tinignan ko yung cover ng librong nahugot ko. Oh my G! Censored 'to ah bakit merong ganitong libro sa library? Hindi ko alam kung anong isasagot, tinignan ko si Sir na ngayon e nagpipigil ng tawa. Wala na bang isasama ang araw ko?

"Ano.. ano kasi Sir.." tumayo na ko to save myself sa kung anong kahihiyan na naman, "See you Sir sa classroom."

Paglabas ko sa library ay nakahinga ako ng maluwag. Ano ka ba naman Danica, minsan mo na nga lang mai-table si Sir palpak ka pa. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung babalik ako sa loob andun pa si Sir. Kung sa cafeteria naman andun yung dalawang abnoy. No choice, balik cubicle na naman ako. Nung lalakad na ko papuntang cubicle biglang may humila sa kamay ko.

"Danica."

"S.. sir."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po."

"Ako din e. Samahan mo muna ako."

Lumabas kami ng building na hawak pa din ni Sir ang kamay ko. Papalag pa ba ako? Syempre hindi. Kahit na namamawis na ang kamay ko at naghahalo na ang balat sa tinalupihan hindi ako bibitaw.

"Saan tayo pupunta Sir?"

Ngumiti lang s'ya habang tangay tangay ako.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad andito na kami. Kung itatanong mo kung saang lupalop kami napadpad, wag na. Itigil mo na. Hindi ko din alam. At syempre joke ko lang yun! Haha corny. Nasa pinakamalayong Mcdo kami. Bakit malayo? Kasi dalawa ang Mcdong malapit sa school. Yung una e pinupuno ng mga estudyante na walang ginawa kundi magchismisan ng "who's hot and who's not" sa school. At yung isa, kung saan nakaupo ako ngayon, e 57 steps away dun sa nauna. Mga business people, edukado, nagbabasa ng magazine, nagta-type sa laptop at mahinang nagbubulungan ang customers nila dito.

"Fries? Hindi ko kasi alam kung gusto mo ng burger kaya spaghetti na lang ang inorder ko."

Nginitian ko si Sir para itago ang kaba. I can feel my heartbeat in my ribs. Parang lalabas na konting pihit na lang.

"So nasaan si Albert? Hindi ata kayo magkasama?"

Ayan na. Sabi ko na e interview portion  na naman.

"Nagkita po kami kanina, pati ni Kent. Pupunta sana kami sa cafeteria kaso may babasahin pala akong libro sa library kaya ayun pinauna ko na sila."

Ang galing ko na ata magsinungaling ngayon ah.

"Ah yes, Human Anatomy. Interesting choice of book."

Nanlaki mata ko, namula pa sa rosas ang cheeks ko at sumabog in a million pieces ang puso ko. Inaasar ako ni Sir, at kala mo hindi pa sapat na magkasama kami sa table, wagas pa s'ya kung makangiti. The way he smiles, para s'yang bata at hindi isang teacher. Masama ito, lakas tama!

"Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka."

Hinawakan ni Sir ang noo ko to check for my temperature at feeling ko lalo lang akong nag-init. Teka, parang ang pangit pakinggan nung last part?

"Mag-cr lang po ako Sir. Excuse me."

Dali dali akong nagkulong sa comfort room. Breath in, breath out. May biglang kumatok sa pinto.

"Danica?"

Hala si Sir! Bakit kaya?

"Danica. Open the door."

Teka anong meron? Kokornerin na ba ako ni Sir? Hindi pwede public place ito. Bubuksan ko ba ang pinto? Kahit naman gusto ko si Sir may limitasyon ang mga bagay bagay. Tok! Tok! Hala katok pa.

"Danica, open the door."

Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin. Nagtatalo ang puso at utak ko. Dito sa pintong ito nakasalalay ang present at future ko.

"Danica. You went in the wrong room. Men's room yan! Open the door."

At boom! Dun nagregister ang lahat. Lumingun lingon ako at bingo! Si manong na kaninang naka-upo sa gilid namin na umiinom ng malamig na kape ay nakatingin sakin na kala mo tinubuan ako ng dalawang ulo.

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!"

Syempre sisigaw muna ako habang tinatakpan ang mata ko bago lumabas. Parang sa mga napapanood kong movies, yung magkukwento muna yung bida ng talambuhay n'ya at maglalabas ng hinanakit yung kontra bida kung bakit s'ya naging masama bago magkalabitan ng gatilyo sa hawak nilang baril. Binuksan ko yung pinto at saktong andun si Sir para saluhin ako.

Walang katapusang sorry ako kay manong, buti na lang s'ya lang tao sa comfort nun nung mga panahong yun, sa mga crew at mga customers na nabigla sa mga pangyayari.

"Kakaiba ka talaga Danica."

At sabay tawa ng malakas si Sir na kanina n'ya pa pinipigil ilabas nung nasa loob kami ng Mcdo.

"Bakit kasi hindi mo agad sinabi Sir. Yan tuloy hindi na ko makakabalik dito."

Hinawakan ko ang namumula kong pisngi. Hinawakan ni Sir ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Tinignan ko lang s'ya habang tumatawa. Uso pala talaga ang slowmo, fire works at pagtugtog ng violin. Gusto kong picturan ang moment na 'to at ilagay sa frame.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon