Monday na naman. Two days na din since last na nagkausap kami ni Kent. Two days na din akong taong kwarto at two days na din akong diet.
"Mor.. Oh my gosh. What's with the face Danica?"
"Good morning din Sasha."
Walang gana kong tugon. Nakatingin lang s'ya sakin at iiling iling.
"Alam mo Danica baby kung magkakaganyan ka din lang bakit hindi mo na lang s'ya kausapin."
Tinungkod ko yung kamay ko at nagpangalumbaba habang nakatingin sa black board.
"Nag-usap na kami di ba at alam mo naman kinahinatnan ng usapang yun."
Narinig ko s'yang bumuntong hininga at naramdaman kong tumingin s'ya sakin pero hindi ko s'ya nilingon.
"Edi isa pa. Tapos kung ganun pa din kausapin mo ulit. Kausapin mo ng kausapin hanggang magkaintindihan kayo."
"Para saan pa? Ayaw ko na. Masakit na yung isang beses at ayaw ko ng maulit yun."
"So ganyan ka na lang?"
Sabay kaming napalingon ni Sasha nung biglang magsalita si Albert sa likod namin. Umupo s'ya sa tabi ko at tinignan ako.
"Ganyan ka na lang Nikka?"
Iniwas ko yung tingin ko at hindi sinagot ang tanong n'ya.
"The girl I used to love was never a coward."
Binalik ko yung tingin ko sa kanya. Ayan na naman naiiyak na naman ako. Two days na din akong iyak ng iyak sa kwarto na pati sina mama e hindi ko sinasagot pag-tinatanong nila kung anong problema. Huminga ako ng mabilis para hindi tumulo yung luha ko.
"Iiyak mo lang yan," sabi ni Sasha. "Tapos pag-okay ka na ako ng bahala sayo." sabay kindat.
Ngayon, thankful ako dahil may dalawa akong kaibigang masasandalan. Iba din pala pag may kaibigan kang babae, nasanay na kasi akong sina Albert at Kent lang ang nakapaligid sakin. Speaking of Kent, kamusta na kaya yun.
Pag-dating ng teacher ay nagsi-ayos na kami ng upo.
--Lunch Break--
Hinahanap ko si Kent pero wala s'ya sa Canteen, wala din mga ka-varsity n'ya. Nagpa-practice pa? Lunch time na ah.
"May practice game daw sila sa ibang school sabi ni Ma'am Ynah."
Sagot ni Albert na kala mo nabasa ang tanong sa isip ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ano ka ba Danica. Pumasok ka sa school para mag-aral hindi para lumab layp kaya umayos ayos ka. Sipa ng konsesnya ko. Dati naiinis ako sa pangungulit ni Kent at mga banat n'yang minsan ay waley, pero nakakamiss din pala. Subalit tama si konsensya, andito ako para mag-aral hindi para maghanap ng boyfriend boyfriend na yan. Besides, graduating na kami at mas madami kaming makikilala sa college. Kinukumbinsi ko ang sarili ko pero ramdam kong hindi yun ang sinasabi ng puso ko.
Lumipas ang Martes at Myerkules hindi ko pa din nakikita si Kent. Ano ba yan, saan nagsuot yung lalaking yun? Chemistry class na at andito kami sa Chemlab, gumagamit ng microscope para silipin ang mga amoeba at bacteria. Ang ganda ganda nilang tignan, colorful and with different shapes and colors. Pero pag-iisipin mo kung ano sila parang nakakadiri.
"Ms. Delvin are you okay?"
Tanong ni Sir nung pagka-dismiss. I answered him with a weak smile at nagtuloy sa pag-aayos ng bag ko.
"Is it Mr. Patrick?"
Natigilan ako at tumingin sa paligid. Kami na lang pala ang naiwan sa loob ng room, nag-uusap sina Albert at Sasha sa labas ng pinto, hinihintay ako.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomansaWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...