FortyOne: Eh?!

961 19 5
                                    

"Pinatakbo ko lang kayo sa labas kanina may kasama ka na agad chicks. Baka gusto mo ulit tumakbo ng lima pang laps Kent?"

Nakangising tanong ng captain ni mokong. Ano ba kasing ginagawa ko dito? More importantly kelan n'ya ba balak bitawan kamay ko? Pasmado kaya ako nakakahiya.

"Captain, una na ko ngayon ha. Babawi ako bukas pagdating n'yo nalinis ko na 'tong gym. Kelangan ako ngayon ng babe ko e." Ayan na naman s'ya sa nickname nickname n'ya. Tinanggal ko yung kamay n'ya na kanina pa nakahawak.

"A.. anong be..babe ka jan?"

"Why are you stuttering? Nagpapa-cute ka ba sakin?"

"H..huh?! Si.. sino namang gugus.. gugustuhing magpa-cute sayo?"

At teka nga ba't ba ang utal ko ngayon para akong retarded. Pagod lang ako. Oo tama dahil lang 'to sa pagod at hindi dahil sa nagpapa-cute ako sa mokong na 'to. Swerte n'ya ha.

"Aww sweet. You're doing it again Danica. No need to do that, cute ka naman na sa paningin ko kahit anong gawin mo."

"Hoy! Kayong dalawang love birds jan. Kung magpapa-sweet lang kayo wag dito. Get a room."

Narinig kong tukso ni JJ.

"Umalis ka na nga Kent bago pa magdilim ang paningin ko."

"Salamat captain."

Nakangiting tumakbo si Kent papunta sa locker room habang ako ito naghihintay sa may pinto. Teka ba't ko ba hinihintay yung lalaking yun? Kung tutuusin pwede naman na akong umalis.

"Tara na. Bye Captain!"

-----------------------------------

"Oi saan ba tayo pupunta? Uuwi na ko gabi na."

Nasa loob na kami ng kotse ni Kent. Buti na lang talaga at hindi motor ang dala n'ya pero asar din 'tong lalaking 'to. Hindi man lang nagshower pagkatapos mag-training amoy pawis tuloy. Pero infairness, ang bago ng pawis n'ya.

"Ihahatid naman kita, don't worry Danica you're safe with me."

"Safe? Kanino, sayo?"

"Bakit? Mas komportable ka naman talaga pag-andito ako sa tabi mo diba?"

Sabay ngising waging wagi.

"Komportable? Safe? Hindi ko nga alam kung anong iniisip mo. Mamaya bigla mo na lang ako sunggaban jan."

 "Kelan kita sinung.."

Napatigil s'ya at nag-blush naman ako. Ano bang iniisip ko at sinabi ko pa yun? Napatingin s'ya sa lips ko kaya biglang tingin ang lola n'yo sa labas. Naalala ko yung gabi na kinuha ng lalaking 'to ang first kiss ko. At worst, wala akong ginawa para pigilan s'ya. Oi gusto din! Haha sige Danica asarin mo pa sarili mo.

"Nagugutom na ko, kain muna tayo."

"Ayaw ko. Iuwi mo na lang ako mamaya nag-aalala na sina mama sakin e."

Hinagis n'ya yung phone n'ya. Anong gagawin ko dito? Tapon ko pa 'to sa labas e.

"Call them. Sabihin mo gagabihin ka ng uwi."

"Ba't ko gagawin yun? Don't decide for yourself mokong."

"What? What did you just called me?"

"Mokong! Mokong! Mokong! Ano may reklamo ka pa MOKONG?!"

"Para ka talagang bata."

"Mokong. Mokong. Mokong. Conceited mokong. Pabibong mokong."

"Gusto mo talagang mahalikan 'no?"

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon