Ang bilis ng panahon. February na at ilang tulog na lang graduation na. Hindi ko pa nga alam kung saan ako magka-college e. Pero tsaka ko na poproblemahin yun, sa ngayon Prom Night muna ang aatupagin ko. Ayaw ko naman talagang pumunta kaso mapilit si Sasha. Last na daw 'to kaya kelangan naming pumunta, hindi kasi ako pumunta last time wala naman kasi akong kadate nun at lalong wala pa akong friend nung mga panahong yun.
"Hey does it look good?"
Sasha asked for the nth time. Nasa mall kami naghahanap ng maisusuot.
"Parang magkamuka naman yan dun sa last mong sinukat e."
"Ano ka ba Danica, pink 'to at fuchsia yun. Pareho lang silang tube pero magkaiba ng design."
Sagot n'ya habang nagpapaikot ikot sa salamin, checking herself. She's glowing this past few weeks. Aba something fishy, may hindi kinukwento ang bakla.
"Ikaw hindi ka pa ba magsusukat?" Taas kilay na tanong n'ya.
"Wala pa kong gusto e."
Medyo dramatic ang pag-ikot n'ya while rolling her eyes.
"Paano ka makakakita ng gusto mo kung hindi ka naman naghahanap?"
Nagpalipat lipat pa kami ng store. Ang daming kinukuhang damit ni Sasha at hinila ako papasok ng fitting area. Bawal daw ako lumabas hangga't hindi ako nagsusukat.
"Next."
Salubong na kilay na utos n'ya. Pang-pito na 'to. Na-stress na ang bangs ko at hiwa hiwalay na sila. Pagkatapos ng hindi mabilang na pagsusukat ng damit finally ay natapos din kami. Ganto pala yung 'shopping with friends' yung ilang oras na lilibot sa mall para sa isang pirasong damit at isang pares ng sapatos. Last ko na 'to, sakit sa paa e.
Kumain muna kami sa isang fast food chain. Buti naman at nakaramdam ng gutom ang bruha, kala ko buong araw na lang kaming lilibot e.
"Si Albert ba kadate mo?" nakangiting tanong ko. Namula naman s'ya at umiwas ng tingin.
"Hoy tinatanong kita. Si Albert noh?"
"Hi.. hindi ha! Hindi nga n'ya ako tinanong e. Pag-hindi pa n'ya ako inaya kay JJ na lang ako sasama. Kawalan ni Albert yun hmp." Mataray na sagot n'ya.
Anong problema ni Albert? Hindi ba s'ya pupunta sa Prom?
"By the way si Kent ang kadate mo diba?"
Tumango lang ako dahil puno ng fries ang bibig ko. Gutom e, pagpasensyahan.
"Ready ka na bang ilantad ang kung anong meron kayo?" Mapanuksong tanong n'ya.
Yun ang first event na dadaluhan naming dalawa. Nung finals lang kasi ng basketball ako nakanood ng game nila tapos late pa ako kaya andun kami sa pinakadulo ni Sasha nakaupo. Nagtampo pa nga si Kent nun e, sabi n'ya dapat daw ako taga punas ng pawis n'ya pag-break time. Ginawa pa akong katulong ng mokong. Hindi naman s'ya baldado para ipagpunas ko. Grabeng panunuyo ang ginawa ko sa kanya, napapaisip tuloy ako kung lalaki bang tunay yun. Ang daming arte e.
"Siguro." tipid na sagot ko.
"For sure madaming mawiwindang pagnalamang ikaw ang date ng MVP. Kung alam lang nilang 2 months na kayo haha for sure lamay ang prom night haha." malanding tawa pa n'ya.
Ba't ba n'ya pinoproblema ang love life ko, di ba dapat yung kanya ang isipin n'ya? Pagkatapos naming kumain e hinatid na n'ya ako sa bahay. Diretso tulog lang ako. I'm so tired.
------------------------------------------------------------------
"Good morning Albert!"
Nakasalubong ko s'ya sa lobby kaya sabay na kaming naglakad papuntang room.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...