Nine: Chalk

1.7K 34 5
                                    

Ang gaan ng feeling ko today. I feel invincible!

Pagpasok ko pa lang sa gate may tumawag na sa akin.

"Nikka!" Si Albert!

"Good morning Albert." Bungad ko sa kanya. Ang ganda ng ngiti nya at nginitian ko din sya. Hindi man ganon kaganda atleast ngumiti ako diba? Effort yun teh.

Hinawakan nya ko sa balikat habang naglalakad kami. For once nakalimutan kong hindi kami talo. Pero wala na yung spark.

"Good morning Albert." Napalingon ako. Shot! Si Sasha at ang It Girls. Ngumiti ako. Bat si Albert lang binati nya? Andito din naman ako ah at dun ko lang napansin na tinitignan nya pala ako mula ulo hanggang paa.

"Una na ko." Sabi ko. Nakakatakot sya makatingin e. Daig pa x-ray vission ni Superman. Daig pa mga aso sa airport kung maka-amoy. Ngumiti lang ako kay Albert at ngumiti din sya.

Nung medyo malayo na ko narinig kong nagtanong si Sasha "Who's she?' Hindi ko na narinig sagot ni Albert kasi nabangga na ko.

Nalaglag libro ko. Nakakainis. Minsan na lang ako mag-eavesdrop napurnada pa. Pinulot ko yung book ko. Nahawakan ko kamay ng walang-hiyang nambangga sa akin, pagkatingin ko si Mr. Franco! Parang nasa movie lang kami na dahan dahang umangat ang muka, nagtitigan ng matagal na kala mo kami lang ang tao, narinig ko tumugtog "Habang May Buhay". Dahan dahan syang ngumiti,ngumiti din ako. Bat slow motion lahat? Asar naman e. Ito na ba ang music video ng buhay ko?

"Sorry. Good morning Danica." Sabi ni Sir nung binigay nya libro ko.

My name sounds like the sweetest melody pagbinibigkas nya. Ang ganda ng umaga ko! Haha for once thankful ako na clumsy ako.

"May dumi ka." Tinuro nya ngipin ko.

Nawala big smile ko. Bat laging may contra pag maganda na moment ko?

"Kita na lang tayo maya sa room. Wala munang experiments. Sige." Ngumiti si Sir! Napansin nya sigurong naiilang na ko kaya ganon. Nakakainis bat ngayo ko pa nakalimutang mag-brush?

-----------------------

Last subject na. Chemistry na! At dahil sa classroom kami ngayon hindi ko katabi si Albert. Ang haba ng discussion pero syempre enjoy ako. Si Sir e haha. Kaya kong maupo buong araw nakatitig at nakikinig kay Sir.

Nung nagdismiss na si Sir at kaming dalawa na lang tao sa room (yes! sa wakas), lumapit ako sa kanya. May itatanong ako regarding our lesson at hindi ako magcoconfess wag kang mag-alala.

"Excuse me, sir."

Hindi nya ata ako napansin. Nagulat sya e tapos nahulog yung chalk. Pinulot ko. Pinulot nya din. Hala deja vu? Nangyari na to kaninang umaga ah. At syempre dahil sabay naming kinuha nagdikit mga kamay namin. Tinignan ko sya, pinapakiramdaman ko kung bibitawan nya ba ko o ako bibitaw. Sya bumitaw. Aww weak! Nung susoli ko na, panandaliang naglapat ang aming mga kamay. Ngimiti ulit ako pero this time wala na kong tinga. This time ipapakita ko ang femine side ko. At hopefully, this time makita ako ni Sir hindi bilang estudyante kundi bilang babae na handang gawin lahat para sa kanya. Yikees! Ako ba nagsasabi nito?

"Ano yun Danica?"

"Umn may itatanong po sana ako tungkol sa Atoms and Atomic Theory."

"Ganun ba? May meeting kasi ang faculty ngayon for the upcoming Intramurals. Can you wait for me in the library until 5:30?"

Is he asking me on a date? Date? Well, library date. Assuming lang ako. As if naman na date ang tingin dun ni Sir diba?

"Pero kung busy ka, we'll talk tomorrow."

Napaka-considerate talaga ni sir. Sya pa talaga nagbigay ng option at time for me? How sweet haha.

"I'll wait na lang po sa library. Thank you sir. See you laters."

Tumalikod na ko. Alam kong nagbu-blush ako e tska isa pa hindi ko mapigilan ngiti ko. One-on-one session with Sir? Hindi araw araw nangyayari ang mga ganitong bagay. At hindi lahat ng estudyante e nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Ag swerte ko! Sana 5:30 na!

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon