I realized he is so so right. Without him I'm lost and there is absolutely nothing I can do about it. And I cut deep enough to feel the pain.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang sarap ng higa ko sa kama nung may naramdaman akong kakaiba. Bakit may kamay? Dahan dahan kong minulat mata ko para makita kung sino man nagmamay-ari ng kamay na 'to. Hazel brown eyes ang bumungad sa akin. There is warmness in his eyes. And I felt at home, weird kasi nasa bahay naman ako but in his eyes, it's entirely different.
"Good morning lovely."
Mukha agad ng isang anghel bumungad sa akin. Wait. Baki may Adonis sa kama ko?
"Woooah Albert!"
Sinipa ko s'ya paalis sa kama nung natauhan ako sabay hablot ng kumot at tinakip sa katawan ko. May damit naman ako pero wala lang, gusto ko lang maexperience.
"Aray."
"Anong ginagawa mo sa kama ko? Kelan ka pa lumipat dito? Teka, don't tell me kanina mo pa ko tinititigan?"
"Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya lumipat muna ako sa tabi mo."
Binato ko s'ya ng unan pero madali naman n'yang nasalo.
"Don't worry Nikka, wala naman akong ginawa kundi bilangin white heads mo."
Biglang hawak naman daw ako sa ilong ko, na-conscious e.
"Haha huli ka! Joke lang yun. Masyado akong preoccupied para bilangin pa white heads mo."
Namula ako sa sinabi n'ya. Teka, tama ba pagkakaintindi ko?
"Baba na tayo bago pa sumugod parents mo."
-----------------------
"Thank you for letting me stay for the night."
"Wala yun." Tatanungin ko sana kung totoong yung narinig ko kagabi o baka naman nananaginip na lang talaga ako nun. Pero baka nga panaginip lang ang lahat kaya hindi ko na tinuloy. "Ingat ka pauwi."
"Yeah. Pasabi na lang ulit kina mama at papa mo na thank you and sorry for the inconvenience. See you tomorrow?"
"See you tomorrow."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"Good morning!"
Pagpasok ko pa lang sa gate so Kent agad bumungad sa akin. Ano ba yan first day of the week ikaw agad agad? Hindi ko s'ya pinansin at tuloy lang ako sa lakad.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...