"Let's just stay here. Gumagabi na baka lalo lang tayong maligaw pag naglakad pa tayo."
Naupo kami ni Kent sa ilalim ng puno. So far wala na ang panic attack ko kanina, medyo nagka-calm down na ko ang kaso itong mga lamok na 'to ayaw akong tantanan.
"Sorry."
"Huh?"
"Kung hindi sana kita sinama dito edi sana wala ka sa posisyong 'to."
"Kent, kung hindi mo ako sinamahan baka mag-isa ako ngayong naglalakad sa gitna ng bundok. Tska wala namang may gustong mangyari 'to diba?"
"Paano kung sabihin kong kinikilig ako kasi finally nasolo na din kita?"
"Bumabanat ka na naman? Ikaw talaga walang pinipiling lugar." Sabi ko sabay hampas sa matigas n'yang biceps.
"Sinong may sabing bumabanat lang ako?"
He looked at me like he'd never looked at me before. Pinitik ko noo n'ya.
"Alam mo ang awkward ng joke pagseryoso mukha mo."
"Fine." Sagot n'ya habang minamasahe ang namumula n'yang noo. Lakas ko pala haha. "Joke na kung joke pero seryoso ako Dan."
"So.. why basketball?"
Ang lame ng tanong ko right? Pero yun lang yung escape na naisip ko sa awkward na usapang 'to.
"Hah. Nice diversion Dan." He paused for a while. "Kiss me."
It's my cheeks' turn to go red. Ano daw? Ki.. Ki.. Kiss?
"WHAT?"
"Kiss me and I'll answer all your questions. Ganun kasimple. I don't give without receiving in return Sweetheart."
Then he winked. I wanna punch that smug smile in his face. Wala pa ngang holding hands o kaya date-date humihingi agad ng kiss? Aba chicks 'tong lalaking 'to ah.
"Where?"
Tanong ko. Shot! I'm supposed to say a big NO pero iba lumabas sa bibig ko. Aba gusto ko din?
"Kahit saan. One kiss per question."
Halatang natutuwa s'ya sa ginagawa n'ya. Feeling ba ng mokong na 'to na duwag ako at hindi ko kaya? Well I'll prove you wrong Kent.
Kinuha ko kamay n'ya and I kissed him, sa palad. Alam kong pagsinimulan ko na e malayo ang mararating nito. Gaano kalayo? Ay abangan.
"There. So sagot na. Ura urada."
I saw his stunned expression. Lakas ng loob ko gawin 'to. Kelangan ko lang kasing ibaling ang toon ko sa ibang bagay bago pa ko mahibang kakaisip kung kelan kami makikita.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...