Three: Si Sir

2.8K 51 3
                                    

Mahilig ako mag-aral at magbasa. Favorite subject ko ang Chemistry. Tanungin mo ko ng tungkol sa periodic table, masasagot ko. Alam ko din ang formula at tamang amount ng chemicals sa paggawa ng invisible ink, paghiwalayin ang oil at tubig at ang paborito kong elephant toothpaste! Pero syemre hindi ko na ipapaliwanag pa at baka makatulog ka lang jan o kaya tuluyan mo ng itigil ang pagbabasa.

Hindi ko alam kung kelan eksakto ako nahilig sa chemicals at chemical reactions. Siguro kasi magaling magturo ang Chemistry teacher ko, si Mr. Franco. Magaling sya magturo lahat ng tanong ko nasasagot nya, interesting din mga experiments namin, malambing ang boses nya kaya hindi nakakasawang pakinggan, maganda kurba ng lips nya, matangos ang ilong, magulo ang buhok pero nakakadagdag lang yun sa kakisigan nya at matikas ang katawan at kayumanggi ang kulay. Pinoy na pinoy! Osige na nga. Favorite ko ang Chemistry ng dahil sa kanya. So ano ba talaga gusto ko ung subject o yung nagtuturo? Pabayaan mo na. Wala din namang sense kung aalamin ko pa dahil ang alam ko lang GUSTO ko. Yun lang.

Nagsimula to nung minsan nasa Chem Lab kami. Patapos na klase nagsisilabasan na mga kaklase ko tapos tinawag nya ko.

"Danica. Maiwan ka saglit."

Kinabahan ako. Naisip ko nakabasag ba ko? Hindi naman. Bumaba grades ko? Imposible, almost perfect ko quizzes, seatworks at exam nya. Tumayo na lang ako malapit sa pinto. Kinakabahan ako e. Kaso pinalapit nya ko sa desk nya. Tinitigan nya ko. Shocks! Sir wag mo kong tignan ng ganya. Mahina ako ngayon. Yun na ata pinakamatagal ng 30 seconds ng buhay ko. Hindi ko nga alam kung huminga ba ko o kumurap man lang ng mga panahong yun.

Tumayo sya. Ang bilis ng tibok ng puso ko kasi ang lapit na ni Sir sakin. Natatakot ako baka marinig nya tibok ng puso ko. Handa na ba ako na pumasok sa isang relasyong ipinagbabawal? Handa naman akong lumipat ng school para lang magbigay daan sa kung ano man ang mamagitan samin. Yes! Ang advance ko naman. E sa na-e-excite ako e haha.

"Ilabas mo dila mo." Sabi nya.

"Sir?!?" Baka mali lang ako ng dinig.

"Ilabas mo dila mo." Inulit nya.

Omg.Omg.Omg. Never been kissed ako tapos ilabas ko daw dila ko agad agad? Nanginig tuhod ko. Haha ano ito? Inilabas ko na lang para walang away. Nung nilalapit na nya muka nya, ang gwapo nyang muka, pumikit na ko. Wag kang hihimatayin. Wag kang hihimatayin. Sabi ko sa sarili ko.

Ang tagal sabi ko. Ano bang nangyayari? Binuksan ko na lang mata ko, ng dahan dahan, para may epeks! Nung nag-adjust na mata ko sa liwanag nakita ko si Sir naandun na ulit sa desk nya nag-iisip. Hala anong nangyari? Mabaho ba hininga ko?

"May green tongue ka. Pumunta ka sa clinic o tignan mo kung andun ung dentist."

"Huh?" Yun lang nasabi ko.

Hiyang hiya ako sa mga pinag-iisip ko. Hindi ko maprocess kung anong sinasabi nya. Green Tongue? Ano yun? Nung uulitin na nya ung sinabi nya, tumalikod na ko at sabay takbo. Hindi sa clinic kundi sa cr. Hindi ko alam bat ako naiiyak. Kasi siguro kala ko hahalikan nya ko, o may gusto sya sa akin, o nahihiya ako sa sarili ko dahil sa kung anu-ano naiisip ko. Ako na siguro ang ultimate feelingera. Nung maayos na itsura ko, tinignan ko dila ko sa salamin. Hala! Green nga! Pupunta na sana ako sa clinic baka nga seryoso yung sinasabi ni Sir na GreenTongue. Kaso napahinto ako, kumain pala ako ng cotton candy ice cream. Yung kulay green! Natawa ako hindi dahil sa hindi ako nagbrush kundi dahil nalaman kong concern din pala sa akin si Sir. Hindi man sa uri ng concern na gusto ko kundi concern bilang isang teacher. Uuwi na sana ako kaso naiwan ko pala bag ko. Ayaw ko na sana bumalik dun kaso hindi naman pwedeng umuwi ng walang bag. Baka pagalitan ako ng nanay ko.

Andun pa si Sir hinihintay ako (Sweet!) Naiwan ko daw kasi bag ko. Tinanong nya kung pumunta na daw ba ko sa clinic inexplain ko naman sa kanya na sa pagkain lang yun. Natawa sya. Kinilig naman ako. Ilibre ko naman daw sya dun minsan. Tapos yun tumawa uli sya. Kinilig naman ulit ako mga 190% lang naman.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon