One: It Girls

4K 72 1
                                    

Tuwing dumadaan ako sa corridor, lagi kong nakikita ang tatlong It Girls ng school, sina Tasha, Sasha at Tyra, na pinapalibutan ng mga pawisang basketball players. Hindi naman ako naiinggit dahil mas gusto ko pang magbasa ng libro kesa tumayo at ngumiti habang nilalanghap ang bango ng mga pawis nila.

Una kong mapapansin si Sasha dahil sya ang may pinakamalakas na tawa. Ewan ko kung ano ang nakakatawa para lang siguro mapansin ang pink lipstik na pinahid nya kanina bago pumasok. As if naman na hindi mapapansin ang pink nyang labi at parang sinampal na pula na cheeks nya. Maganda sya, pero madalas hindi nya alam kung ano ang ginagawa nya.

Sunod si Tasha. Gusto ko sya dahil sya ang pinakatahimik at kalmado sa kanila. Hindi man sya kasing ganda ni Sasha mas mukang elegante at intelehente naman sya. Minsan nakasalubong ko sya sa library at nagtanong kung saan nakalagay ang MacBeth ni Shakespeare. Hindi ko alam kung bakit sya sakin nagtanong, hello muka ba akong librarian? Pero sa haba ng palda ko na 3 inches below the knee, nakatuck-in na white shirt at malaking eyeglasses hindi ko na tinanong. Tinuro ko na lang kung saan tutal alam ko naman e. Sinundan ko sya. Hindi ako makapaniwalang mahilig sya magbasa ng classic books, o marunong pala sya magbasa. Laking gulat ko na lang, may kinuha syang nakaipit na papel. Mga sagot pala yun sa math assignment namin. At kung tatanungin mo ko kung bakit doon nakalagay, hindi ko din alam.

At syempre ang lider nila, si Tyra. Maganda sya. Mas maganda kesa kina Tasha at Sasha combined! Mahaba ang legs, pang model lang ang peg. Sweet ang smile nya at mapupungay ang mga mata. Hindi sya katulad ng lider ng palabas sa Mean Girls. Mabait sya, mayaman, nakakausap ng lahat (maliban sa akin, alam mo na kung bakit) at mukang mabango. Pero may ayaw ako sa kanya. Para kasing kakaiba sya. May mali. Hindi ko lang ma-point out pero meron! (Ui insecure. Hindi ah!)

Minsan pagtinitignan ko sila natatawa ako. Alam kaya nilang nagpaplastikan lang sila? Alam kong may inggit si Sasha kay Tyra. Dahil madalas akong kumain sa cubicle ng Girls Comfort Room, naririnig ko lahat ng sinasabi nya kay Tasha. Doon ko nalaman na may bulok na ngipin pala dati si Tyra at dali daling pinabunot nya yun nung grade school sila. May balakubak din daw sya dahil nakita nya yun sa balikat ni Tyra nung PE (wow microscope!) At ang matindi ex boyfriend nya si Johan! Ang ultimate geek ng school. May malaking eyeglasses, kulay lumot na braces at baku-bako ang muka. Nasamid ako nung narinig ko yun, panandalian silang tumigil at nakiramdam sabay alis ang dalawang chismosa. Tsk bat kasi ang ingay ko e hindi ko tuloy natapos ang kwentuhan nila. Kumain na lang ulit ako.

Narinig ko na ding nagsumbong si Tyra kay Tasha tungkol kay Sasha. (Ano daw?) Well as usual sa cr ang eksena. Nahihirapan na daw sya pakisamahan si Tasha. Hindi daw sya marunong magsoli ng gamit, maingay at naiinis sya sa pink lipstick nito. Pareho silang si Tasha ang sumbungan. Hindi ko din alam kung bakit.

Wala naman akong pakialam sa kanila. Gusto ko lang silang panoorin. Wala namang nagsasabi masama yun diba?

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon