ThirtyTwo: Motherless Goat

1.1K 15 1
                                    

Masaya akong umupo nung dumating sa classroom. Muntik na akong malate pero hindi ko matanggal yung ngiti sa mukha ko. Wala e, na-in love ang lola n'yo.

"Nikka, saan ka kanina? Pumunta ako sa library wala ka naman."

"Sinundan mo ko?"

"Umn ano hindi ah," nagkamot muna ng ulo si Albert bago ituloy ang sagot. "Magta-time na kasi wala ka pa din kaya pinuntahan na kita kaso wala ka naman na sa library."

"Nagutom kasi ako kaya nag Mcdo muna ako."

"Hindi mo man lang ako tinext." He pinched my nose. " Next time magsabi ka muna para naman masamahan kita. Okay?"

Tumango lang ako. Hindi naman n'ya kelangan malaman na magkasama kami ni Sir diba?

-----------------------------------

CHEMISTRY CLASS

Periodic table ang kaharap namin ngayon. Habang nagdidiscuss si Sir I catched him looking at me then he will look away. Then I will look at him tapos pag-nahuli e ako naman titingin sa iba. So ano, nagnanakawan ng tingin sa klase? Kinikilig ako at hindi makapag-concentrate pero baka imagination ko lang lahat ng 'to. Parang hindi matatapos ang klase ng walang isa sa amin ang hindi tumitingin sa isa't isa. Then I saw him smile at me bago lumabas ng classroom.

"Nikka."

"Yes?"

"Anong meron?"

"Anong anong meron?"

"Meron kang hindi sinasabi sakin."

"Huh?"

"Kala mo ba hindi ko napansin yung mga tingin n'yo ni Sir, at ano yung smile n'ya bago lumabas ng classroom huh?"

Wow. So hindi ko lang pala imagination ang lahat ng yun. Hindi ako makatingin sa mata ni Albert. I know he likes me but he's also my friend so I have to be honest with him.

"Yung totoo? Si Sir Franco kasi kasama ko kumain kanina."

Tumaas lang kilay n'ya pero hindi na s'ya nagsalita. Naglakad kami sa corridor ng walang kibuan. Tinignan ko si Albert na nakatingin lang sa dinadaanan namin, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip n'ya pero isa lang ang alam ko na-gi-guilty ako.

"Albert...."

*Gasp*

Bigla n'ya akong hinila sa loob ng isang classroom at tinulak ng very very gentle sa wall. He put his right hand sa gilid ko at lumapit ng napakalapit. Yung tipong naaamoy ko na yung cologne n'ya at nagdidikit na yung mga noo namin.

"Nikka."

Yumuko ako and I closed my eyes. Sabi na e inis pa s'ya. Hinawakan n'ya ako sa baba at dahan dahang itinaas ang ulo ko. Then he slowly traced my jaw and cupped my cheeks. Eye to eye kami. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano ako nakakatagal pagtinitignan n'ya ako ng ganito.

"Galit ka pa din ba sakin dahil nagsinungaling ako?"

I saw the fear and panic in his eyes habang tinatanong ako.

"No."

Totoo naman. Kahit anong pilit kong magalit hindi ko magawa.

"You called me Ice Princess, paano mo nalaman yun?"

I saw the corner of his mouth formed a small smile.

"Gusto mo talagang malaman? O baka naman alam mo na at gusto mo lang marinig na sabihin ko?"

Lumapit s'ya sa tenga ko at bumulong.

"Let me remind you."

Then he bite my earlobe. Tinulak ko s'ya ng mabilis. Soft spot ko kaya yun at isang tao lang ang may alam nun.

"Naalala mo na?"

Hindi ako sumagot at tinignan ko lang s'ya. Omg this can't be!

"Based on your reaction, naalala mo na nga." Lumapit ulit s'ya sakin, closing our distance. "Ako naman ang mag-aalaga sayo Nikka." Hinawakan n'ya yung dulo ng buhok ko and played with it. "This time, sakin mo lang ibaling ang tingin mo. This time I'll make you see me as a man Nikka."

Then he kissed me at the top of my head.

"Uwi na tayo!"

Sabi n'ya sabay smile na parang walang tension kanina. Hinila n'ya yung kamay ko at ako naman nagpatangay lang. Hindi ko pa lubusang na-aabsorb mga pangyayari. Kelangan kong mag-isip, I need to get away from him para magawa yun.

"Library."

Sigaw ko. Napalingon si Albert na nagtataka.

"May hindi pa kasi ako natatapos basahin na libro sa library. Mauna ka na lang."

"Samahan na kita."

"No Albert. Kaya ko na."

He studied me for a minute.

"Okay. So iniiwasan mo ba ako Nikka?"

"Huh? Anong bang pinagsasabi mo?" Then I laughed humorlessly, kahit ako nabigla dahil halatang fake at kabado ang tawa ko. "Mauna ka na. Kita na lang tayo bukas. Bye Albert!"

Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa s'ya dahil tumakbo na ako papuntang library. Hay, ano ba naman 'tong pinasok ko.

So let me assess my feelings and all the people involved. Albert is my best friend-slash-childhood friend, he knows that I don't like bugs and thunder, alam din n'ya na ang soft spot ko ay ang earlobe ko, ayaw ko ng kape at may burda ng days of the weeks ang undies ko nung bata pa kami and there's more, he likes me. Then there goes Kent.  I'm his tutor, then later on we became friends. Andun s'ya nung wala akong masandalan, he always try to make me smile/laugh with his corny banat. S'ya ang personal punching bag ko, okay na sana e kaso he kissed me and boom, confessed his undying love. Kidding. Hindi ko nga alam kung totoo yung mga yun o baka naman nagha-hallucinate s'ya nung mga oras na yun. And finally, my unrequited love kay Sir Franco. Siguro nga one-sided lang 'to pero masisisi mo ba ako kung umasa ako? E ang sweet n'ya kaya and he is so concern sa akin. Ilang beses na n'yang sinabing okay lang sa kanya na pag-usapan namin ang mga bagay bagay at sinabi din n'yang interesting ako. So sabihin mo nga, ano naman ang iisipin ko sa mga sinabi n'ya. Siguro--- son-of-a-motherless-goat!

Anak ng tokwa. Kakaisip ng kakaisip hindi ko na natignan ang dinaraanan ko, at kung sino man ang nag-iwan ng paa sa corridor pwede pakitabi naman? Wait. Lumingon ako at tinitigan yung nakapatid sa akin. Paa nga. Teka bakit meron n'yan dito? Tumayo ang balahibo sa batok ko. Sa likod ng basurahan ay isang paa na nakasuot pa nga talaga ng Emma Hope  na shoes ang naaninag ko. Nahiya naman ako silipin s'ya.

Dahan dahan akong lumapit. Ang sosyal ng shoes ni friend kaso bakit naman dito pa sa tabi ng basurahan naisipan matulog? Natabunan ng buhok yung mukha n'ya kaya hindi ko alam kung sino s'ya.

"Excuse me." Sinundot sundot ko yung braso n'ya. "Excuse me, okay ka lang ba?"

Umikot yung ulo n'ya at nakita ko ng buo ang mukha n'ya. Isa pang son-of-a-motherless-goat! Sasha! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatayo ba ako at iiwan s'ya dito at hayaang makapatid pa ng ibang dadaan. O gigisingin s'ya at hihintaying marinig ang kung anong drama ang sasabihin n'ya. Tatayo na sana ako kaso umungol s'ya kaya napahinto ako.

"Hoy Sasha, gising!"

Bigla n'ya minulat yung mata n'ya at nabigla ata sa mukha ko kaya nagmamadali s'yang tumayo. Pinagpag n'ya yung palda n'ya at sinuklay ng kamay ang buhok. Aalis na ko. This time it's for real. Mukhang okay naman na s'ya e.

"Danica."

Napahinto ako at liningon s'ya. Lumapit s'ya at hinawakan yung kamay ko. Ito na ata ang pinakamakinis at malambot na kamay na nahawakan ko.

"Please don't tell anyone."

Alam ko namang yung anyone na tinutukoy n'ya ay sina Tyra at Tasha. Tumango lang ako. Ngumiti s'ya at dahan dahang lumakad palayo. Naiwan akong nganga sa corridor. Ano bang nangyari sa kanya? Anong naisipan n'ya at dito pa talaga sa basurahan naisipang tumambay?

Hindi ko din naman alam ang sagot kaya naglakad na ako papuntang library.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon