FortyFour: Ginger Bread

970 23 2
                                    

It's been 9 days since nang usapan namin ni Sir. May mga times na muntik na kong hindi pumasok sa class n'ya pero dahil supportive naman si Albert at wagas mangonsensya si Sasha e napapapasok din ako. Hindi ko nga alam ba't parang ang close close na namin ni Sasha. Wow instant friend? Haha. At kung tatanungin n'yo lang naman ako kung anong nangyari sa pagbisita ko kina Albert wag n'yo ng tanungin. Pilitin n'yo muna ako! Sige na nga alam ko namang curious kayo. Nakakahiya lang kasi unang impression pa lang palpak na.

Ang laki ng bahay nina Albert, siguro kelangan pa ng GPS para malaman kung nasaang parte ng bahay ang mga tao dun. Nagdala ako ng banana at apple, malay ko bang green apple lang ang nais ng papa ni Albert, mas pula pa sa strawberry yung dala ko. Pero mabait naman sila at pinakain lahat kay Albert. Kwentuhan na parang kinikilatis na nila ang future daughter-in-law nila. Kalog ang mama ni Albert at tahimik naman ang papa n'ya pero halata kung gaano nila kamahal si Albert. Nung dinner na, hindi ko alam kung anong gagamitin kong kutsara at tinidor, ang dami kasi e iba iba pa ang laki. Pati baso daladalawa. Pati nga yung bowl for soup kala ko baso, buti na lang hindi na nila pinoint out yung mga mali ko sa mesa nila.

Basta ayaw ko ng alalahanin yung mga detalye ng mga kapalpakan ko sa bahay nila. Tama na ang halos araw araw na pang-aasar sakin ni Albert.

"Danica, paabot naman ng pintura sa kanan mo."

Classmate ko yun, naghahanda kami para sa Foundation Day at natoka ako sa pagpepaint. Medyo artistic din kasi ako, hindi lang halata. Naisip ng klase namin ang pinaka-boring na booth. Recreational booth. Yung may higaan para sa mga gustong matulog, may PSP, XBox, may mini-sinehan at meron ding popcorn at soda sa mga gutom. Lahat ng yun e nagkasya sa room namin. Astig noh? Kasing laki ng Annex ng SM ang room namin.

"Kamusta ang preparations class?"

Hindi talaga maiiwasang bahagyang huminto ang pagtibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses ni Sir. He smiled at me and I smiled back. Sir's been nice to me like extra nice, kasi nice naman talaga s'ya sa lahat pero pagdating sakin may extra. Nagdala s'ya ng maiinom, pito lang kasi kaming naiwan sa classroom para magpaint.

"Soda or tea?"

May hawak na soda si Sir sa kanan at tea naman sa kabila. At talagang lumapit pa s'ya sakin ha habang nagkakagulo yung anim kong kaklase kakapili ng maiinom.

"Tea na lang Sir."

"Sabi ko na e, yan pipiliin mo."

He smiled at binuksan yung tea in a can bago iabot sakin. Oh di ba sabi ko sa inyo, extra nice s'ya pagdating sakin.

"Hindi ka pa ba pagod? Balita ko kanina pa kayong umaga nag-aayos dito ah."

"Kaya pa naman po Sir, bukas na din kasi start kaya kelangan na talagang tapusin."

Ginulo n'ya muna yung buhok ko at tumayo.

"Don't push yourself Danica. Pwede naman magpahinga."

And by that e lumabas na si Sir sa room. I always watch his back, naisip ko na din na kelan kaya ako pwedeng maglakad sa tabi n'ya at hindi itong laging likod na lang n'ya ang pinagmamasdan ko tuwing naglalakad s'ya palayo. Ang kaso nagising na ang lola n'yo sa katotohanang hindi na mangyayari yun.

----------------------------------

"Hoy."

Nakasimangot na tawag sakin ni Sasha.

"Hello din Sasha."

"'Hoy' ang sabi ko hindi 'hello', nasaan si Albert?"

"There in the backyard, andun mostly lahat ng boys e."

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon