Ten: The Sh*t in Bullsh*t

1.8K 29 1
                                    

Ang saya saya ko. Nakaupo sa isang sulok at pinapalibutan ng mga paborito kong libro. Kaya ko mabuhay ng ganito, araw-araw. Pero alam kong alam mo kung bakit extra ang happiness ko today. Magmemeet kami ni Sir! Haha dapat pala lagi akong may tanong sa mga lessons nya para laging may excuse na masolo ko sya. >w<  

Ang sarap na ng lipat ko ng mga pages ng book na binabasa ko. Naghahanap pa kasi ako ng pwedeng itanong para mapahaba ang stay ni Sir sa piling ko. Shh! Secret lang yun ah. Maganda na ngiti ko ng may pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.  

"Danica."  

Napalingon ako. Nasa library ako diba, e bakit may maingay na bangaw ang tumatawag sa pangalan ko?  

"Hi Sasha. Tasha. Tyra."  

Kelangan ko ba talaga silang batiin isa isa?  

"I'll get straight to the foint. Why you being so much closer with Albert?"  

Kinokorek ko ang grammar at pronounciation nya mentally. I'll go straight to the point. Why are you being so close with Albert? Natatawa ako habang tinatama ko sya. Simpleng english teh? Ang ganda mo pa naman nakakahinayang. Pero syempre sa utak ko lang lahat yan. Mahirap na, baka magbody bleed sya kasalanan ko pa diba?  

"We're just friends." Sabi ko.  

"Friends? You know so well that he and Sasha are the perfect couple. Even though they're not officially together sooner or later they will be. And just because Albert is being extra nice with you doesn't mean he likes you. He is basically nice with everybody. Know your position girl. A guy like Albert won't be friends with someone as plain and boring as you are." Butt in ni Tasha.  

Finally! Someone speaks english! Namangha ako marunong pala si Tasha makipagsabayan haha. Kung alam lang nila kung gaano kami kaclose ni Albert. Kung alam lang nila kung ilang beses na ko nakasakay sa kotse nya and I bet never pa silang inimbitahan ni Albert masilip man lang loob ng car nya. At kung alam lang nila na hindi sila ang tipo ni Albert.  

"Well, whatever Albert and I have is none of your business. We are friends. Just friends. So if the idea disgust you, I'm sorry but that's the bitter truth."  

Sabay sweet smile ako. Alam kong pangit ako pero hindi ba pwedeng magpasweet paminsan minsan kahit hindi bagay? Yun bang nag-aasar lang? Masaya na ko kanina e, as in to the highest level na feeling ko e wala ng hihigit pa. Tapos tong mga bruhang to na kung gaano kaganda ang muka e ganun naman kasumpa sumpa ang ugali e biglang eeksena? NO! No one can spoil my day with Sir.  

Natameme ata sila? Ang tagal sumagot e. Simpleng english lang naman ginamit ko ah.  

"Come on girls." Sabi ni Tyra. Nagsalita na ang boss! "This is pathetic. Sasha, no matter how close Albert and this girl is, she's nothing compared to you. There's no competition to begin with. I don't even know that she exist until this morning. I bet even if they're the only person in a room. Albert would ÿþneverÿþ lay a single finger on her. I can't see anything special on her. Not that she have one either."  

Nakatingin sya sa mata ko habang sinasabi lahat yun.  

Ang sakit naman ng mga binitawan nyang salita. I'm beautiful in my own way no! At kung mag-aayos lang ako ng konti gaganda din ako. At syempre pampalubag loob ko lang yun. Siguro kung may pampa Belo ako may laban ako sa kanila. Pero sa ngayon palalampasin ko mga sinabi nila dahil wala pa kong budget kay Belo.  

"Kawawa ka naman. First time mo bang may pumansin sayong lalaki kaya feeling mo ang ganda ganda mo na? Sorry ah hindi ko kasi alam kung anong nararamdaman mo, lagi kasi akong napapalibutan ng mga lalaki kahit hindi ko naman gusto. So sige pagbibigyan kita ngayon, I'm generous anyway. But don't you ever think that we're on the same level. Cos you will always be below us." Sabay duro sa akin ni Sasha.  

Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto kong hawaka ang maganda at madulas nyang buhok sabay sabunot. Buti na lang dumating librarian at sinita kami na maingay. Tinignan muna ako ng It Girls, mula ulo hanggang paa bago lumabas sa library. Nung wala na sila natulala na ko. Ito ba yung tinatawag nilang bullying? Hala never kong naimagine na mangyayari sa akin to. And on top of that, dahil sa isang lalaki na kapwa lalaki din naman ang gusto ang dahilan ng away.  

I sit in silence. Tulala. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, oras ang dumaan. Siguro mga 10secs lang tapos dun na nagsink in sa akin lahat ng nangyari. Paano kung balikan nila ako bukas? Lalabanan ko sila basta isa isa lang. Hindi naman ako likas na warfreak o pwedeng lumipad tulad ni Darnapag hindi ko na kaya diba? Isang pares lang ng salamin, malaman na utak at mabuting puso ang meron ako. Yes! Nagbubuhat ako ng bangko. E yun lang yung good points ko e.  

Tumayo na ko. Dali daling lumabas ng library at tuluyang nakalimutan ang bookmark na may picture ko katabi ng lettering ng pangalan ni Sir Franco na nakaipit sa binabasa kong libro.  

Nang malapit no ko sa bahay, naalala ko kung bakit ako naghintay ng ganun katagal sa library. Tuluyan ko ng nakalimutan ang date ko kay Sir! Shot. Sa dinami dami ng malilimutan bakit yun pa? And for that, I curse you It Girls! I curse this cruel day. Sabay luhod sa kalsada na nakataas ang kamay at nakatingin sa kawalan. Sumisigaw ako sa utak ko. Naghihinagpis at tumatangis. Tumayo ako agad-agad at tumakbo ng pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nakalimutan kong nasa labas pa pala ako ng bahay.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon