TwentyThree: Chocolate Cone

1.4K 22 3
                                    

Kumportable na kong nakahiga sa kama ko ngayon. Hindi ko matanggal ngiti ko. Bakit ba? Hinatid ako ni Sir kanina pauwi e. Buti na lang wala  pa ang parents ko nung mga panahong yun para gisahin ako kung bakit maaga ako umuwi.

----Kanina sa Clinic----

"Feeling better?"

Tumango lang ako habang hinihimas ni Sir yung ulo ko. Hindi s'ya nagturo ng Chemistry sa klase para lang bantayan ako. Somehow I feel grateful at andito si Sir sa tabi ko. He gives me sense of comfort. Selfish ko no? Hindi man lang ako naguilty na ninakaw ko s'ya sa klase n'ya. Well, if I know tuwang tuwa din naman ang mga classmate ko dahil walang quiz.

"I'll take you home."

Umiling lang ako kahit na gustung gusto ko ng kunin ang kamay n'ya at maglakad papuntang bahay.

"It's okay Danica. You're my responsibility."

Bang! Dun lang sumagi sa isip ko na ginagawa n'ya 'to hindi dahil gusto n'ya kundi dahil kelangan. Andito s'ya dahil responsibilidad n'ya ako at hindi dahil nag-aalala s'ya sa paraang iniimagine ko.

Kinuha ni Sir yung bag ko sa upuan at inalalayan n'ya ako sa pagtayo. Hinawakan n'ya ako sa bewang at napahawak naman ako sa shoulder n'ya. His perfume filled my nose. Todo amoy ako na kulang na lang e higupin si Sir. Ninanamnam ko lang naman ang bawat sandali, masama ba yun?

"Ako na lang po bubuhat ng bag ko."

Offer ko. Nakakahiya naman kasi kay Sir. Although sa laki ng katawan n'ya I bet hindi n'ya ramdam na may dala s'ya.

"Kelan pinabayan ng matinong lalaki na magbuhat ng sarili n'yang bag ang isang emotionally unstable na babae? Since gentleman ako, ako na magdadala nito. O baka naman gusto mong buhatin din kita?"

Natawa ako sa sinabi ni Sir. Pero mas lalo akong natawa nung sinuot na n'ya yung bag kong kulay yellow na may polkadots, may key chain na Hello Kitty at malaking heart. Natutuwa ako habang kinikilig. Nakaka-high na combination.

Walang dalang kotse si Sir ngayon. Nasa car wash daw. Okay lang naman sa akin kung mag-bus kami kahit na magprusisyon pa kami pauwi ayos lang. Basta ba s'ya ang kasama ko e tatanggi pa ba ko?

Akala ko naman magbu-bus kami. Nganga ako nung nagpara ng taxi. Sir sigurado kang taxi gusto mo? E ang layo kaya ng bahay ko, baka kulang pa baon ko kung mag-aambag ako sa pamasahe. Na-sense ata ni Sir na hindi ako kumportable kaya kinausap n'ya muna si manong taxi driver para hintayin kami.

"You okay?"

"Ano kasi Sir. Bus na lang tayo."

He cupped my cheeks and looked me in the eyes at alam ko. Alam na alam kong I turned 75 shades of red.

"Hindi naman siguro ako papayag na ang favorite student ko e tatayo o makikipagsiksikan sa crowded na bus. I feel safer when you're beside me, so please Danica?"

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon