FiftyFive: Brain Fart

705 20 1
                                    

Emegesh. Parang nung last time lang 'to ah. Dun sa pageant, yung para akong dinosaur maglakad. Nasa bahay kami ngayon ni Sasha, s'ya na nag-ayos samin. White tube dress lang ako na one inch above the knee. Plain lang walang gaanong prints pero elegante tignan. Sabi nga ni Sasha it fits my personality, ako naman ang uto uto kaya feeling ko kinaganda ko na yun hehe. And yes, I remove my eye glasses and wear my contacts. Red dress ang kanya na one inch above the knee din, ang daming ek ek ng dress n'ya pero bagay sa kanya. Malamang, maganda s'ya e kahit ano bagay.

Hinihintay namin yung mga driver I mean dates namin. Isang car na lang daw tutal may limo naman si Kent. Oh diba mayaman ang jowa ko haha. May narinig kaming nagbusina sa baba at hindi na mapigilan ang pagkiskis ng pwet ni Sasha dahil sa sobrang excited. Nauna na s'yang bumaba dahil pinupunasan ko pa ang kilikili ko. Basa e haha. Wag maarte, lahat ng tao namamasa ang kili kili.

Pababa pa lang ako ng hagdan nasilip ko na sa may pintuan sina Sasha at Albert kausap si mama. Nakakapit ang kamay ni Sasha sa braso ni Albert, they look good together. Albert in this tuxedo, yummy. Pero hindi pa ko tapos titigan ang kabuuan n'ya nanakaw na ang pansin ko ng prince charming ko. I don't care if I am drooling at malunod silang lahat sa laway ko. Ang gwapo lang ng nilalang na ito na nasa harap ko. Kent wearing his 3-piece suit. Dashing.

"Tititigan mo na lang ba ako magdamag?" he asked while smirking.

Natauhan ako ng inilahad n'ya ang kamay n'ya para alalayan ako pababa.

"Hanggang 1am lang Kent." paalala ni mama nung papalabas na kami.

I'm nervous and excited and worried and ecstatic all at the same time. I looked at Albert and Sasha, they're talking merrily. Nag-go-glow talaga ang mga taong in love. Ay wait, in love din pala ako hehe. I look at Kent who's already looking at me. He leaned closer and whispered.

"You're so beauitiful Danica. Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa prom so I can have you all  by myself."

I feel my cheeks heat up. And gave him a smile. Huminto ang limo sa may entrace. Taray, red carpet. Anong meron premier night? Inalalayan ako ni Kent palabas ng limo and we walked down the aisle. Papasok pa lang kami pinagtitinginan na kami ng mga tao, e paano pa kaya sa loob?

"Smile." sabi nung photographer. Sabay sabay kaming nag-smile na apat. Nag-wacky pose pa.

"You okay?" tanong ni Kent nung papasok na kami sa loob. Ba't parang mas kinakabahan ako ngayon kesa nung pinakilala n'ya ako sa parents n'ya? I just smilked nervously.

At tulad nga ng inaasahan lahat ng mata nasa amin. Nakita ko ang reaction ni Tyra, parang kakainin n'ya ako ng buhay. I just bowed down and Kent lead me sa table namin. Nakahinga lang ako ng maayos ng nakaupo na kami.

Program. Program. Dance. Dance.

Si Kent ang first dance ko, nakailang kanta nga kami e hindi namin namalayan. Then Albert asked if he can have a dance with me. Ang saya din pala ng prom. Hindi pa nag-iinit yung kamay namin sa isa't isa e napalitan ng hip hop song kaya mukha kaming tangang nakitalon at yugyog. I felt someone wrap a hand around my waist. I looked up and saw Kent smiling widely. Grabe Lord, boyfriend lang po ang hinihingi ko pero binigay n'yo ay scorchingly hot na Adonis.

Naupo muna kami para magpahinga. Ang sakit na din kasi ng paa ko. Sasha and I were talking nung lumapit si Sir and asked if he can have a dance with me. I look at Kent na salubong ang kilay, napaka-seloso naman nito. I smiled at Kent and assured him that it'll be ok atsaka ko kinuha ang kamay ni Sir.

He put my left hand in his shoulder and he holds the other nung nasa dance floor na kami. Napalapit ako ng konti sa kanya when he pulled me closer, holding me in my waist. We look at each others eyes. Ay grabe, ang gwapo talaga ni Sir. Hindi naman siguro masamang humanga di ba? Napakasinungaling ko kung idedeny ko ang angking kagandahan ni Sir.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon