FortyThree: Holy Banana

977 16 2
                                    

"Hello feet, pwede bang gumalaw ka na? Left right left right lang naman. Isang hakbang paabante. Kaya natin 'to my little feet."

"Hoy Nikka, bakit mo kinakausap paa mo? Sure kang okay ka lang?"

"Ha ha," tawang pilit. "Okay lang ako Albert, it's just the heat. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Sabay na tayo."

"Wag mo na kong hintayin."

"May gagawin ka pa ba? Samahan na kita."

Actually, I need to talk to Sir Franco. Pero bago ko gawin yun, kelangan ko munang kumbinsihin ang mga paa ko na mag-function ng naaayon sa gamit nila.

"I think I'll wait for you outside."

Nag-isip muna ako ng malalim, ayaw kong paghintayin si Albert baka kasi matagalan yung pag-uusap namin ni Sir pero I think kelangan ko ng taga-hatid when Sir Franco drop the bomb that he sees me no more than his student. Bago pa ko nakasagot e biglang may pumulupot sa balikat ko. Suso 'to, wagas ang kapit e.

"Ako na maghahatid kay Danica."

"Teka nga, may practice ka ngayon di ba Kent?" Sabat ko bago pa makasagot si Albert.

"Ako ang ace player so pwede na siguro ang every other day na practice. Alam mo na masyado akong magaling baka lalo ko lang silang mapag-iwanan pag-araw araw akong nagpractice."

"Ang yabang mo talaga. Dun ka na nga, si Albert na maghahatid sakin."

Tumingin ako kay Albert na nakangising abot tenga. Waging wagi ang lolo n'yo.

"Narinig mo naman s'ya, ako na daw ang maghahatid. So your presence is no longer needed here Kent. Bye."

"Aba't talagang naghahanap ng away 'to ah."

"Kent Patrick!"

Sabay sabay kaming napatingin sa nagmamay-ari ng mala kulog na boses. Si Captain ng Varsity, ba't hanggang ngayon hindi ko pa din alam name n'ya? Ano ba yan Miss Author pwedeng pakipangalanan na? Haha.

Lumapit s'ya samin at biglang piningot papalayo si Kent.

"Aray Captain masakit. Masakit."

"Tatakas ka na naman sa practice? At sinong nagsabing ikaw ang ace ng basketball team? Kelangan mo talagang maturuan ng leksyon."

"Captain naman," pingot pingot pa din s'ya ni Captain, "baka ma-turn off si Danica sakin Captain. Aray, masakit."

At yun ang istorya ng pagkawala ni Kent sa eksena.

"So, I'll wait for you sa parking lot na lang Nikka."

"Okay! Salamat Albert."

---------------------------------------------------

Ok. Act normal. Act normal. Act normal Danica. Wait. Paano na ba ang normal sa harap ni Sir? Kanina pa ako umaaligid sa faculty room, hindi ko kasi alam kung paano hahatakin palabas si Sir. I think I'll wait na lang hanggang sa matapos s'ya.

"Ms. Delvin?

Anak ng itim na piluka naman oh.

"H-Hi Sir Valdez." Ang math teacher namin.

"You need something?"

"Ah hinihintay ko lang po si Sir Franco."

"Ganun ba. Sir Franco andito student mo."

Dahan dahang inangat ni Sir ang mukha n'ya na kanina pa nakasubsob sa lesson plan n'ya. Una n'yang tinignan si Sir Valdez at unti-unting binaling ang tingin sakin. Those deep brown eyes that melt even the coldest heart. He smiled and all the love na isinilid ko sa likod ng puso ko ay nabuksang muli. This is the man I fall for. Pinanood ko s'yang tumayo at naglakad papalapit sakin. Feeling ko nasa simbahan kami at sinusundo na ako ng groom ko.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon