"Ay palaka! Ok ka lang kuya?"
Nauntog kasi yung lalaki na nauunang naglalakad kesa sa akin. Ang tangkad naman kasi n'ya, mas matangkad pa kay Kent na 5'8 siguro may 5'10 na 'tong si kuya. Hinimas lang n'ya ang noo n'ya at naglakad na ulit na parang hindi narinig ang tanong ko.
Weird. Ganito ba talaga dito, paghindi kagandahan hindi pinapansin? Oh well mahanap na nga kung saan ang room ko.
First day of classes pa lang kaya walang gaanong ginawa. Konting pakilala, binigay ang syllabus for the sem, sinabi mga ayaw and expectations ng mga professors at yung iba nagbigay ng konting exercise quiz para daw makita kung ano na ang alam namin.
Tinignan ko ang relo ko, 1:25pm pa lang may break kasi ako na 1 and a half hour. May klase pa si Kent kaya naisipan ko munang gumalagala muna sa building namin ng biglang umulan. Malas naman oh. Nagsitakbuhan yung mga tao na nasa quadrangle at sumilong sa building, yung iba sa canteen ang takbo. Mejo malakas yung ulan pero may naaninag ako sa hindi kalayuan. Teka tao ba yun? Tinanggal ko ang salamin ko at pinunasan dahil basa at mejo moist na. Ay tao nga. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero naglabas ako ng payong at pinuntahan ang anino ng taong yun.
"Anong ginagawa mo jan, ang lakas kaya ng ulan."
Marahan s'yang tumingin sa direksyon ko and smirk. Teka diba s'ya yung lalaking nauntog nung umaga? Dun ko lang napansin ang paghapit ng tshirt n'ya sa katawan n'ya. I mentally count his abs, 1 2 3 4 5 ay shet may jowa ako pero makabilang naman ako ng abs ng lalaking ito kala mo hindi busog ang mata ko sa katawan ni Kent. Ibinalik ko ang tingin sa mukha n'ya, wrong move. Gwapo teh. Matangos ang ilong, thin lips, pronounce cheekbones and his eyes. Those eyes.
"Umiiyak ka ba?" bulalas ko.
"It's just the rain."
Ay englishero, lumapit ako at tumingkayad para payungan s'ya. Halatang nagulat s'ya sa ginawa ko but I just smiled at him.
--------------------------------------------------------------------------------------
Danica and friends in college! Lakas ng loob makagawa ng book 2 XD
Thank you po sa lahat ng matiyagang nagbasa at naghintay ng update. I wuv you all :)
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...