6 years old Albert
"Taya!"
"Haha. Takbo na dali!"
"Ahhhhhh! Yan na s'ya."
Tuwing breaktime lagi kong pinapanood mga classmates kong maglaro. Naiinggit ba ko? Oo naman syempre pero mas gusto ko na lang maupo at manood kesa marinig ang opinyon nila tungkol kina mama.
"Hi!"
Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin. Si Ice Princess. Crush ng bayan. Cool. Maganda. Matalino. Mahiyaan. Minsan lang s'ya magsalita, sa classroom lang kapag tatawagin s'ya ng teacher para magbasa.
"Hindi ka ba maglalaro?"
Hindi ako sumagot.
"Pipi ka ba?"
Umiling ako.
"Ako nga pala si Danica."
Inabot n'ya kamay n'ya para sa shakehands pero hindi ko kinuha. Kilala kita. Yun sana ang gusto kong sabihin kaso nahihiya ako.
"Ice princess! Anong ginagawa mo jan? Sali ka na lang samin mas masaya maglaro kesa umupo kasama si Albert."
Nagtawanan sila.
"Oo nga! Wala s'yang mama at papa."
"Baka mahawa ka sa kanya!"
"Malas s'ya."
Dagdag pa nila. Aalis na sana ako kaso tumayo s'ya at kinuha n'ya ang kamay ko.
"Ano naman ngayon kung wala ang mama at papa n'ya? Mas nakakahawa at nakakatakot pa nga yang masasama n'yong ugali."
Naglakad kami papuntang classroom. Pinisil n'ya yung kamay ko na kanina n'ya pa hawak.
"Pabayaan mo na sila, inggit lang yung mga yon. Andito naman ako e. Kaibigan at tagapagtanggol mo."
Nginitian n'ya ako ng wagas at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng crush.
------------------------------------------------------------------------------------------
Senior Year
Inhale. Exhale. Kaya mo yan Albert. Ilang taon na kayong magka-klase kaya okay lang na kausapin mo s'ya.
Dahan dahan akong umupo sa harap n'ya sa library. Halatang nabigla s'ya nung umupo ako sa tapat n'ya. Hindi ko alam kung anong nakain ko at nagkalakas ako ng loob kausapin s'ya.
Ilang beses ko ng pinagpraktisan ang sasabihin ko sa harap ng salamin. Pero ang hirap pala pag-actual na.
"....Are you free this Saturday?"
I feel the lump in my throat. Hindi ba parang ang lakas ng dating ko sa sinabi ko? Mukhang hindi naman s'ya na-offend. I saw her face lit up at nung pumayag s'ya I breath fresh air.
----------------------------------------------------------------------------------
When I saw them kissed, the horror in her face when she saw me, the flush in her cheeks. I want to beat the crap out of Kent. How dare he. Pero kelangan kong kumalma bago kausapin si Nikka.
"Ah teka lang ha. Bakit ka ba galit? Wait. Do you like Kent? Oh my gosh, is this about Kent?"
Darn it. Kala ba n'ya talaga bading ako?
Hindi ko na nakontrol yung mga sumunod na pangyayari. Everything goes out of hand then I did something I longed to do. I kissed her. I kissed her like it's more important than the air I breath. 11 years. I waited for 11 years for this moment to come, to feel her lips on mine. The feel of her lips, it's more than what I imagined it would be. Soft. Warm.
-----------------------------------------------
So here I am lying in my bed thinking about that kiss. Hindi kami nagka-usap sa last day ng camp pero desidido na ko. I like her. And I will take actions, when I saw Kent kissed her nagalit ako, pero mas nagalit ako sa sarili ko. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? To watch the person you like fall for someone else? I know it's my fault why I'm in this situation, feeling like a crap. But I won't give up I will make you look at me Nikka. I will make you see me as a man and not just a friend.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...