Twelve: Meeting

1.6K 36 7
                                    

I decided to do some changes today. Like cutting my overly long palda by one inch. Conservative pa din pero hindi na super haba or super ikli. I combed my hair at naglagay ng butterfly na ipit. Put some blush on at lipgloss. Practice my smile.

I CAN'T DO THIS! Tinignan ko sarili ko sa salamin at tinanong kung sino tong nakatayo. Tinanggal ko ung ipit, naghilamos at nagpalit ng palda. May mga bagay talagang hindi ko kaya. Nakakainis. bat yung ibang babae parang normal lang sa kanila magsuot ng magagandang damit at make-up, why am I struggling? Siguro hindi lang ako sanay. Pabayaan mo na nga. Tsaka na ko magpapaganda ng todo at male-late na ko.

---------------------

Sinabi ko bang male-late ako? E parang ako ung guard na magbubukas ng gate e. Tsk. Naloko ata ako ng relo ko 6:45am pa lang. Sarado pa ang library. Tatambay sana ako sa lobby kaso baka mawalan ng gana ung mga papasok kaya sa canteen na lang ako. Sarado pa pero may upuan naman sa labas.

Binuksan ko Chemistry book ko nung pagkaupo ko. Kelangan ko magpaimpress kay Sir e kaya aral lang ng aral. Nung masyado na kong naaabsord sa binabasa ko may maingay na dumating. Mga varsity players. The jocks! Nag mo-morning run sila. Matutuwa sana ako sa view kaso mas gusto kong magbasa ngayon. Dito kaya nakasalalay love life ko.

Sinara ko ung libro at tumayo. Hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko kaya nagkabungguan kami.

"Sorry."

Un lang sabi nya. Hindi ko man lang nakita muka nya dahil busy akong tinatanggal ang pawis nya na nadikit sa bagong laba kong uniform. Pumunta sya sa pinakamalapit na fountain, mga 5 steps mula sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko sya. Curious ako malaman kung gaano kaliit mata nya para hindi ako makita.

Binasa muna nya muka nya. Tapos uminom sya. Hindi ko gano maaninag muka nya e masyado kasi syang nakadikit sa fountain. Naghilamos pa talaga sya, natawa ako. Gawin ba namang gripo ang fountain? Pati buhok binasa, as if naman hindi pa yan basa ng pawis no?

Nung tapos na sya uminom. Nagstraight body ako. Tumayo lang sya, unaware of my presence, ano ako invisible? Tumayo lang sya dun. Wet look! The water dripping from the tip of his hair... omo~omo~OhmyG. Hindi ko alam kung wrong move o ano ang pagstay ko dito. Pinagpag nya hair nya, parang aso pagbagong ligo. Tinignan nya ko. I'm not moving. What's happening? Maybe I'm not a morning person and I'm too lazy to move cos it's too early. Pathetic! But that's the lamest excuse I could think of cos I refuse to believe that this stranger has a strong effect on me.

Naglakad lang sya. Hinawaka nya chin ko at sinara ang bibig ko. The heck! Hindi ko namalayang nakanganga pala ako the entire time! Tinignan ko sya, he smirked and I knew he was trouble then naglakad na sya. Walang lingun-lingon. Siguro sanay na sya sa ganung encounter?! Pero kahit na! Nakakahiya! At mayabang sya without a doubt! So pag-gwapo mayabang na agad? Bulong ng konsensya ko. I trust my instinct. Sagot ko sa sarili ko.

---------------

Hindi ako maka move on sa mga pangyayari kaninang umaga. Parang ang daming nangyari pero actually un lang naman. Naglalakad ako papuntang library kukunin ko ung nakalimutan kong bookmark na may name ni Sir na kasama ung picture ko na naipit sa isang libro dun.

Kung minamalas nga naman oo! Asan na! Kinuha ko na lahat ng libro sa algebra pero wala talaga dun. Mukang may nakakita na and I know for sure that person is mocking me. Hala e pano kung si sir ang nakakuha? Worst case-scenario! Pero think Danica, chemistry teacher si sir at hindi algebra so nakahinga ako kahit papano. Pero pero pano kung malaman ng taong un ang secret ko at iblock mail ako? Ay ewan! Umaasa akong sa laki ng campus na to e hindi kami magkita! Mwahaha I'll try my luck na lang.

Pagkalabas ko ng library ang daming tao. Ayaw ko sa madaming tao kaya tumingin na lang ako sa sahig at binilang hakbang ko.

"Hey!"

May biglang humawak sa balikat ko. Nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa may-ari ng kamay na humawak sakin.

"Ikaw yung babae sa fountain kanina diba?"

How do I respond to this? Hindi ko alam kung nag-iinquire sya o nang-aasar. Tinignan ko na lang sya. Cold treatment is the best way to answer undesirable questions.

"Naiwan mo."

May inabot sya. Naiwan ko? Well kung ano man to salamat. Pero I won't say thank you!

"See you around, Danica."

Nanlaki mata ko. How did he..?

Tinignan ko yung binigay nya. F*ck that sh*t! Yung picture ko na may kasamang bookmark na pangalan ni Sir! Ung bookmark ko na may pangalan ni Sir na kasama ung picture ko! May pangalan pala sa likod ng picture ko kaya siguro nalaman nya name ko. Gosh! Why this man? Why this man have to witness all my embarrassing moments?!? Of all people?! Tell me why?!

May note sa likod.

"Be careful next time, Miss Stalker. I'll be watching you.  --Kent"

Where is my luck?! Naubos na ba ang swerte ko at sinalo lahat ng kamalasan sa mundo?

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon