Tahimik ang paligid at tanging pagpintig lang ng dalawang nalilitong puso ang maririnig sa ilalim ng maliwanag na buwan. Tumingala ang dalaga at napabuntong hininga, dahan dahan n'yang inilipat ang tingin sa katabing binata na kanina pa nakatingin sa lupa habang nakapamulsa.
"Danica," panimula nito. "Will you run away with me?"
Mabilis na tumibok ang puso ng dalaga na animo'y nagmarathon simula Pasay paakyat ng Baguio ng walang pahi-pahinga.
"Ke..Kent."
"Joke lang yun," at saka tumawa ng pilit ang binata.
Hindi mawari munit may kirot sa puso ng dalaga ang pagbawing iyon ng binata. Hinawakan ng binata ang kamay n'ya at dahan dahang pinisil ito. Napatingin ang dalaga sa mga mapupungay na mata nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatingin ang dalaga sa mga labi ng binata, dahan dahang lumapit ang dalaga, hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata na halatang nabigla sa ginawa nito.
"Don't move."
Mahinang utos ng dalaga at dahan dahang pumikit ang dalaga habang inilalapit ang mga labi sa binata.
OOOPPS! Teka lang teka lang. S'yempre lahat ng yan ay kathang isip ko lang. Oo tama, nagde-daydream ang lola n'yo. Haha kanina pa kasi kaming mukhang tanga ni Kent sa labas ng bahay. Naghihilahan. Hinihila ko s'ya papasok ng bahay samantalang hinihila naman n'ya ako papasok sa kotse n'ya. Nung mapagod kami ay sabay kaming umupo sa semento at nagpasyang dun na lang kami mag-uusap, tutal maliwanag naman dahil sa mga street lamps at sa liwanag ng buwan.
"Oh ano ganito na lang tayo?"
Ako na unang nagsalita dahil mukhang walang balak umimik ang mokong. S'ya nagsabing gusto n'ya pa akong maka-usap e hindi naman maimik. Hindi pa din n'ya ako tinitignan at nagbuntong hininga muna. May problema ba 'tong isang 'to?
"I saw you.." sa sobrang hina ng boses n'ya hindi ko alam kung may sinabi ba s'ya o kathang isip ko lang.
"I saw you and him."
At dun alam kong hindi ako namalik-dinig. (malik-dinig meron bang ganun?) Napatingin ako sa kanyang nagtataka samantalang nakatingin pa rin s'ya sa malayo at hindi ako nililingon. Sino tinutukoy n'ya?
"Pumunta ako kaagad sa clinic nung matapos yung pageant. Kinuntsaba ko si JJ kaya nakatakas ako saglit," hinga Danica. Hinga. Alam ko na 'to. Alam ko na kung ano tinutukoy n'ya.
This time s'ya naman ang tumingin sakin, I can't hold his gaze kaya ako naman ang napatingin sa kawalan.
"I saw that he kissed you. And I know na gising ka."
I looked at him puzzled. Paano n'ya nalamang gising ako?
"I know you Danica." sagot n'ya na akala mo e nabasa ang isip ko. "For how many months alam na alam ko na ang mga kilos mo, I know when you're bothered, when you're lying, when you're nervous. Nakakatawa nga e, mas matagal pa kitang tignan kesa sa mga libro ko."
Wala akong masabi. I'm speechless, as if someone steal the words in my mouth and suddenly I forgot how to use a dictionary.
"You still like him."
It's not a question, it's a statement. Tinignan ko s'ya mata sa mata and there is something in his eyes I can't decipher. Bakit ba ang dali daling sabihin ni Kent at ni Albert na may gusto pa ako kay Sir? E ako nga na nagmamay-ari ng puso at isip ko e nalilito na.
"I don't." Lakas loob na sabi ko habang nakatingin sa mukha n'ya na halatang nabigla. "Oo gusto ko s'ya dati, hanggang ngayon naman gusto ko pa din s'ya. Pero hindi na tulad ng dati. Hindi na ganun ka-intense. Lalo na't alam kong may fiancee na s'ya."
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...