Hindi ko alam kung kelan nagsimula to. Siguro nung English class namin. Maliban sa magaling ako sa Chemistry, magaling din ako sa English at higit sa lahat magaling ako magyabang, ha.
Pinapagawa kami ng book review tungkol sa Hunt Me Still ni Jennifer Lee Carrell. Dahil sa mahilig ako sa mysteries, murder cases at kay Shakespeare madali lang sakin ang assignment. Habang gumagawa ako sa library nilapitan ako ni Albert Angelo Pillorin Jr. Ang pinaka gwapo sa klase namin at patay na patay si Sasha sa kanya hindi lang sa maganda nyang muka pati na din sa ugali nya na ubod ng bolero este mabait sya, lalo na sa mga babae. Isa sya sa mga sikat na lalaki kahit hindi sya basketball player. Matalino din kasi sya at galing pa sa kilalang pamilya. Iwas ako sa mga tulad nya masyado kasing napaghahalataan ang pagkakaiba namin tska hindi naman kami close kaya nabigla ako ng umupo sya sa tapat ko.
"Hi umn, Danica?" Bungad nya.
Nainis ako. Dalawang taon na kaming magka-klase tapos hindi pa din sya sigurado kung ano pangalan ko, ganon ba ko ka-invisible?
"Bakit?" Un na lang sinabi ko.
"Pwede magtanong?"
Naiinis ako sa ganon. Nagtatanong ka na diba tapos tatanungin mo pa kung pwede magtanong? Hello? Sapakin kaya kita sa muka ng matindi tapos itanong ko din kung masakit.
"Sige lang." Sabay smile. Wala pacharming lang ako kung meron man. Tumitingin na kasi mga tao samin. Haha mainggit kayo may ka table akong GWAPO! Kahit ganito itsura ko, may ka table naman akong GWAPO! Haha wala na corny na.
"Alam ko namang hindi tayo close. We neither made eye contact nor have a decent conversation. Ngayon lang. But somehow, I feel that you're the closest to someone like me. I think you'll be able to understand. Are you free this Saturday?"
Natunganga ako. Gulay! Seryoso to ah! Umi-english na sya e. Closest to someone like him? Saan banda? Gusto ko itanong. I think you'll be able to understand. Maintindihan ang alin? Are you free this Saturday? Oo naman. Duh first time lang kayang may mag-aya sa akin lumabas. Teka. Wait. Nag-aya lumabas? Niyayaya akong lumabas ng taong to? Itong mukang to lalabas, maglalakad at sasakay sa magara nyang kotse sa Sabado? Wag mong sabihing gusto nya ko? Hindi pwede! Kahit gano sya kagwapo si Mr. Franco ang nais ko. Sya lang! Kaso sayang din tong matabang isda na to. Ang tagal kong nakanganga.
"Umn, okay lang naman kahit kelan ka nalang free. Sige pala." Sabi nya ulit. Tagal ko kasi hindi nakasagot. Nung papatayo na sya.
"FREE ako!" Sabi ko almost pasigaw na tumingin sila samin sabay "SHHH!" ng librarian.
Ngumiti sya na parng bata. Shet! Ako ba dahilan ng ngiting yan? Bawal kiligin pero kinilig ako. Mahirap kaya magpigil.
"Osige kita na lang tayo sa Sabado. 4pm sa plaza. Salamat Danica. It means a lot to me."
Nung wala na sya hindi ako makapaniwalang may mga ganong pangyayari sa totoong buhay. Sya na ba ang katuparan ng mga pangarap ko? Haha. Sana Sabado na! Gusto ko malaman kung ano sasabihin nya e. Sabado dumating ka na, daliiii!
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...