TwentyFour: Corn Flakes

1.4K 26 1
                                    

Ang aga aga naglalakad ako sa corridor. Mali. Halos tumakbo na pala ako. Wala ang It Girls dahil suspended sila at may community service pang kasama.

"Good morning Dan! Where are you going?"

Kent. Tinignan ko lang s'ya. Right now wala ako sa mood makipagkulitan.

"Bad mood? Masamang gising? Alam ko solusyon jan. Kiss!"

Hinawakan n'ya ako sa kamay at napahinto naman daw ako. Hinawakan n'ya ako sa mukha at akmang mang-kikiss nga. Siguro kung nasa mood ako papabayaan ko lang s'ya. Kaso hindi e. Masama pa sa masamang tinapay ang araw ko. Sinipa ko s'ya at nawala s'ya sa balanse. Buti nga.

"Pwede wag ngayon? Pwede bukas ka na lang maging papansin?"

Sabay lakad ulit ako. Medyo na-guilty naman ako sa pagsigaw ko sa kanya. Pero kasalanan  n'ya yun badtrip na nga ko sasabay pa s'ya? Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko kelangan kong maglakad at hanapin s'ya. Malapit sa canteen, doon ko narinig ang pamilyar na tawa ni Albert. Kasama n'ya mga friends n'ya. Hinigpitan ko yung papel na hawak ko to make sure na totoo ito. One last look.

Nikka,

I think we need space. I'll keep my distance from you. Hope you understand. I'm sorry. Sorry sa lahat and sorry for putting you in a position you don't deserve. I care for you so much that's why I'm doing this but I'm here for you. Always.

Albert.

Yes. Nag-iwan s'ya ng note sa locker ko. Note. Bakit hindi n'ya ako kausapin o kaya tawagan man lang kung hindi n'ya kaya? Pero ito, ano 'to? Papel? Sa locker? Old-school!

Dirediretso akong naglakad sa grupo n'ya. Natigilan sila sa pag-uusap. Nakatingin lang ako kay Albert. Wala akong pake sa sasabihin ng iba basta ang mahalaga e marinig ko kung anong reason n'ya.

"Nikka.."

Mahina n'yang bati. Hinila ko s'ya sa malayo. E kahit na ano namang galit ko may hiya pa rin naman ako no.

"Ano 'to?" Pinakita ko yung note n'ya sa kamay ko.

Hindi s'ya sumagot at hindi rin n'ya ako tinitignan sa mata. Naiirita na ako.

"Albert talk to me. Friends tayo diba?"

Matagal bago s'ya sumagot. Nagdadrama lang Albert?

"Nikka.. Sorry. Hindi ko naman inaasahan na kayang gawin yun nina Sasha. And I can't risk that thing to happen again. Masakit na wala akong nagawa nun. Kaya.."

Pinutol ko na mahaba n'yang litanya.

"So you're risking our friendship? Alam mo Albert hindi ko maintindihan kung bakit e. Okay naman na ako at kaya ko ng protektahan sarili ko kung mangyari man ulit yun dahil ngayon I know what they are capable of. At sa ginagawa mo lalo mo lang pinaparating na tama sila. Tama ang iniisip nila at sa paglayo mo nanalo sila."

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon