FiftyTwo: Panda Clock

834 16 1
                                    

Kanina pa naka-uwi sina mama pero 2am na hindi pa din ako makatulog at pagulong gulong lang sa kama. Tuwing pipikit kasi ako at itatry matulog e nagpa-flash back yung kiss ni Kent sa shoulder blade ko. Ang lalaking yun, naka-isa na naman. Ilang minuto pa akong nagpagulong gulong sa kama at hindi na namalayang nakatulog ako.

Nagising ako sa katok ni mama. Pass 6 na at biglang bangon ako. Malelate pa ata ako. It's all your fault Kent! Dali dali akong nag-ayos at kumain nabigla pa ako ng makitang naghihintay sa labas ng bahay si Kent habang nakasandal sa kotse n'ya.

"What took you so long?"

"Ba't nandito ka? Wala kayong practice?" sagot ko at hindi pinansin ang tanong n'ya.

"Wala kaming practice." pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse. "Ang lalim ng eyebags mo, hindi ka din nakatulog?" tanong n'ya nung nakaupo na s'ya sa driver's seat.

Hindi din nakatulog? Aba hindi lang pala ako ang hindi makatulog kagabi. Wag kang kikiligin Danica, pagtitimpi ko.

"Oo, kasalanan mo."

Nakita ko s'ya ngumiti at iniwas ko ang tingin sa mukha n'ya.

"Kasalanan mong late na akong nakauwi ayan tuloy hindi ako nakapag-aral agad. Alam mo bang inabot ako ng madaling araw kakabasa ng notes ko?" pagsisinungaling ko haha. Ayaw ko ngang sabihin yung tunay na reason, baka kung ano ano na naman isipin n'ya.

Nawala yung ngiti n'ya at napalitan ng inis. Haha pikon.

"Sorry pala kung nalate ka ng uwi at hindi agad nakapag-aral. Don't worry hindi na kita ihahatid pag-may practice kami or better if kay Albert ka na lang laging magpahatid."

Ang gwapo pa din kahit galit na. Nangiti ako ng pailalim.

"Ayaw ko nga magpahatid kay Albert. Baka nakakaabala ako sa progress nila ni Sasha e. Kay Ronald na lang o kaya kay Sir pag hindi sila busy." ang I smiled sweetly.

"Danica Delvin!"

Nabigla ako sa lakas ng boses n'ya at sa pagtawag ng buong pangalan ko. Para s'yang sina mama na alam mo ng galit na galit kapag buong pangalan mo na ang tinawag.

"Yun ba talaga ang gusto mo ha? Sige kung jan ka masaya."

Hindi ako nakapagsalita dahil ramdam na ramdam ko yung galit n'ya. Hala joke lang yun e, sumpungin naman ng batang 'to. Hindi n'ya ako kinausap habang nasa daan at mas lalo akong kinakain ng konsensya ko. Gusto ko ng mag-sorry at sabihing sorry na pero natatakot ako.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto nung nasa parking na kami pero hindi n'ya pa din ako iniimik.

"Sabay tayong mag-lunch?" habol ko sa kanya. Ang laki laki ng hakbang ng mokong hindi man lang naawa sa mga biyas ko.

"Kay Ronald ka na lang o kaya kay Sir sumabay." mataray na sagot n'ya at naglakad ng matulin. Naiwan akong nakanganga sa sagot n'ya.

---------------------------------

"Ba't ang haba ng mukha mo Danica?"

Si Sasha kadarating lang mukha ko kaagad ang pinansin.

"Wala."

"Wala? Yan ba ang wala? Magsasabi ka o kelangan pa kitang isako at paluin?"

Tinignan ko s'ya at hinihintay yung 'joke' na kasunod sa sinabi n'ya, kaso wala. Seryoso ang lola n'yo at natakot naman ako. Baka totohanin e.

"Si Kent kasi, hindi ako pinapansin. Nagalit ata."

"Ano na namang ginawa mo?"

"Ako agad? Grabe ka, kaibigan kita di ba bakit ako agad ang may kasalanan?"

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon