Ang init. Naka-open naman ang aircon bakit ang lagkit ng pawis ko? Nahihirapan akong huminga at feeling ko mababali na ang spinal cord ko.
"Umm Kent," nahihiyang bulong ko, "kelan mo ko balak bitawan? I can't breath."
Dali dali naman s'yang bumitaw sa pagkakayakap at nahihiyang napangiti.
"Sorry nadala lang. Pwedeng isa pa?"
"Anong isa pa? Wag mo na nga akong ngisian ng ganyan. Gabi na, ihatid mo na ako."
Pero tinignan n'ya pa din ako at hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.
"Sooo, ano na. Are we officially together?"
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko sa sina bi n'yang yun. Lokong 'to, together together agad.
"Hoy ano na naman sinasabi mo jan?"
Nawala yung kaninang mala aso n'yang ngiti.
"Bakit? Kakasabi mo lang na gusto mo ako kanina ah tapos ngayon magmamaang maangan ka?"
Feeling ko mas lalong uminit. Bubuksan ko na yung pinto, masyadong mahina ang aircon.
"Oo nga! Gusto kita. Gusto ko din naman si Sasha tska si Albert. Gusto ko din ng fishball at bulalo. Tska ice cream, coffee jelly, si Albie.."
"Sino si Albie?" sabat n'ya.
"Yung gold fish ko nung elementary ako. Kaso nalingat ako saglit nadukwit na s'ya nung pusa nung kapitbahay namin. Ilang linggo nga akong iyak ng iyak nun e sabi ni mama bibilhan na lang daw nila ako ng bago kaso.."
"Ano ba! Kinilig na ko tapos yun na yun? Yung level lang ng pagkagusto mo sakin e kapantay lang ng gold fish na yan?"
"Oi hindi s'ya basta gold fish ha. S'ya ang first pet ko. Sakanya ako unang nabroken heart nung iniwan n'ya ako at sumama sa pusang palaboy na yun."
Natigilan ako nung tinignan n'ya ako ng seryoso. Nice one Danica, sinira mo na naman ang moment.
"Sorry na." bawi ko nung hindi pa din s'ya nagsasalita.
"Sige na. Gabi na hahatid na kita."
"Teka." pigil ko bago n'ya hawakan yung manibela. "Ang init naman agad ng ulo."
"Sino bang hindi magagalit jan sa ginagawa mo ha? Ang lakas ng trip mo Danica, hindi ako natutuwa." mataray pa sa menopausal baby na sagot n'ya.
"E kasi naman e, tayo na agad agad? As in now na? Hindi pa ako ready tska ang corny oh,sa loob ng kotse ko unang sinagot ang first boyfriend ko."
"Una at huling boyfriend Danica." nanunuksong sabi n'ya.
"Basta ayaw ko muna. Maghirap kang manligaw sakin." sabi ko ng naka-crossed arms. Minsan lang ako magmaganda kaya lubusin ko na ano.
"Dun din naman ang bagsak natin di ba so bakit pa papatagalin?"
"Ganon? Hindi marunong maghintay? Kelangan ura urada? Kung ayaw mo edi wag na."
"Oh teka saan ka pupunta?"
Pigil n'ya nung sinusubukan kong buksan ang pinto ng kotse n'ya.
"Magpapahangin! Nag-iinit dugo ko sayo e."
"Hot nga ako pero hindi ko akalaing pati dugo mo kayang pakuliun ng hotness ko." inirapan ko lang s'ya.
"Binibiro ka lang e. Kala ko naman kasi sinasagot mo na ako."
"Sinabi ko bang 'oo tayo na'?"
"Hindi!" mabilis na sagot n'ya, "pero mas matindi pa sa OO ang sinagot mo sakin." humarap s'ya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Nilalayo ko yung ulo ko pero mas hinihigpitan pa n'ya ang hawak n'ya. "Say it again."
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...