ThirtyFive: White Tulips

1K 14 2
                                    

"Mom, I'm home!"

"Danica!"

Nabigla ako nung niyakap ako ni mama at mukhang worried ang mukha ni papa.

"Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari sayo? Nasaan yung gamit mo? Kanina pa may tumatawag tinatanong kung nakauwi ka na daw ba pero ayaw naman magpakilala."

Niyakap ulit ako ni mama at lumapit sa amin si papa.

"We're so worried Danica. Bakit ngayon ka lang at ba't ganyan itsura mo?"

"Naiwan ko po kasi yung bag ko sa classmate ko pero kukunin ko naman bukas sa kanya."

"Kaibigan? Lalaki ba yan?"

"Ha ha." Plastic at nervous kong tawa. "Parang may kaibigan naman akong lalaki maliban kay Albert, papa. Nakay ano po, Sasha naiwan ko sa bahay nila." Kasinungalingan! Pero kahit papaano naman siguro friends kami ni Sasha. Nag-pinky swear na kami at nag-open up na din s'ya. Once nga lang, pero big step na yun. "Akyat na po ako."

Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto bago pa nila ako tanungin at dadami lang ang kasinungalin ko. Pagkatingin ko sa sarili ko, hala! Anong nangyari sakin? Nakabukas ang dalawang botones ko, magulo ang kaninang naka-pony tail na buhok at ang dumi dumi ng mukha ko. Ikaw ba naman maglakad ng ilang kilometro sa kalsadang mas madami pang sasakyang nagbubuga ng itim na usok kesa sa mga taong naglalakad. Lagot ka talaga sa akin Kent.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga akong pumasok at tumambay sa parking lot. Stalker? Hindi ah, kukunin ko lang yung gamit ko kay Kent, maaga din s'ya pumapasok kasi may practice sila sa basketball. Umikot ikot ako at nakita ko yung kotse n'ya. Sumilip ako sa bintana pero wala dun yung bag ko. Tinapon n'ya kaya? Grabe naman. Nakalimutan ko na nga yung galit ko kasi natulog na ko e kaya sana s'ya din.

"Nag-jojogging si Kent kasama ang team."

Nabigla ako at biglang nag-cart wheel palayo sa kotse ni Kent.

"Ahh JJ! Nakakatakot ka naman,"

Lumapit s'ya sakin. Pawis na pawis. Siguro kanina pa sila tumatakbo. Ganun ba pagmayaman, amoy sosyal pa din kahit na pawisan?

"Nag-away ba kayo?'

"Ha? Bakit mo naman natanong."

Naisip ko tuloy baka naikwento ni Kent sa kanya. Chismoso din pala mga lalaki?

"Bad mood s'ya nung tumawag ako kagabi at hanggang ngayon e hindi pa din makausap ng matino. Isang tao lang naman may ganung epekto sa kanya e."

Tinignan n'ya ako. At ako naman nganga. Anong pinagsasasabi n'ya. Bag ko lang naman ang pinunta ko dito at hindi para alamin kung sinong talentadong pinoy ang kayang i-throw Kent out of his balance. Wait. Ako ba yung tinutukoy ni JJ? Haha feeler ko naman, baka nagkasabay lang yung away ko sa away n'ya dun sa taong yun.

"Ah ganun ba. Naiwan ko kasi yung bag ko sa kotse n'ya kagabi. Hintayin ko na lang s'ya dito."

"Samahan na lang kita sa kanya. Dala na kasi n'ya lahat ng gamit n'ya baka mamayang lunch break pa s'ya pumunta dito."

Sinundan ko si JJ. Nasa gym na yung mga varsity players, tinawag si JJ nung captain siguro. Umupo muna ako sa gilid at nakita ko si Kent. Magkatabi sila ni JJ, tumingin si Kent sa direskyon ko. Kakaway sana ako kaso biglang tumingin s'ya sa iba. Aba. Isnabero ang lolo n'yo.

After 25 minutes e dinismiss na sila. Tumakbo ako papunta kay Kent bago pa s'ya mawala sa paningin ko. Ano bang sasabihin ko? Oi yung bag ko ibalik mo na. Masyadong direct to the point. Hoy walang hiya! Iniwan mo ako sa kalsada at inuwi ang bag ko. Alam mo bang andun lahat ng kayamanan ko? Naglakad ako pauwi, muntik habulin ng aso, napag-tripan ng mga rugby boys. Syempre kasinungalingan yung aso at rugby boys, pinapadrama ko lang para maguilty s'ya. Kaso baka lalong hindi n'ya isoli yung gamit ko. Sorry. Sorry? Bakit ako magsosorry? Dahil insensitive ako at nakalimutan kong andun s'ya kasi busy ako kay Sir? Ayaw ko nga, hindi ko naman gagawin yun kung hindi s'ya nag-initiate ng challenge. Ay bahala na.

"Kent!

Huminto s'ya sa paglalakad at nilingon ako.

"Ano yung kagabi.."

"Kukunin ko lang yung gamit mo sa locker ko. Umupo ka muna dun. Magsha-shower lang ako."

Hindi n'ya man lang ako hinintay magsalita at pumasok na sa boys quarter. Sinunod ko na lang yung sinabi n'ya at umupo sa isang sulok. Naglabasan na mga ka-team n'ya pero wala pa ding Kent, ni anino n'ya hindi mo maaninag. Tatayo na sana ako para icheck kung nasa loob pa s'ya. Kaso may biglang sumigaw.

"Danica Delvin?!"

Napahinto ako sa kinatatayuan ko dahil yung malaking taong may malaking katawan na tumawag kay JJ kanina e lumapit sa akin. Tumango lang ako, unable to talk. Takot ako e, real life Johnny Bravo ba naman ang tumayo sa harap mo. Ngumiti s'ya at hinawakan kamay ko. Nanigas ako, as in literal. Anong meron? Sisipain ko sana s'ya kasi wala akong ideya kung anong nangyayari sa mundo nang biglang nag-iwan s'ya ng puting sinulid sa kamay ko. Tumingin ako sa kanyang takang taka.

"Sundan mo."

Yun lang sabi n'ya at umalis na. Ang weird n'ya lang ha. Pero mas weird ako dahil sinunod ko ang sinabi ng isang total stranger. Dahan dahan kong sinusandan yung sinulid baka kasi maputol. Sinong nasa matinong pag-iisip ba naman kasi ang makakaisip ng ganitong kahibangan.

Pumasok ng boys locker room, walang tao buti na lang. Nagtuluy-tuloy sa back door. Lakad lakad palabas. Lakad ulit. Sa likod ng isang puno ang dead end. May post-it na kulay pink. Kinuha ko at binasa yung note. Dexter's favorite place. Ano 'to Dora the Explorer ang peg? Naghahanap ng clue makuha lang si backpack? I know it's you Kent, mga pakulo mo. Favorite place ni Dexter daw, malamang science lab. Pagdating dun another clue, Battle of Survival. Battle of survival? Ah canteen 'to. Bingo! Canteen nga. Sarado pa kaya naglakad lakad ako at nasa pinto ang next clue, B7. B7, sa parking lot. Mabilis akong nagpunta sa parking lot. Anong oras na din kasi e. Hinanap ko yung B7 ang kaso walang sasakyang nakaparada. Baka mali ako ng intindi.

"Danica."

Pagkalingon ko andun s'ya. Medyo basa pa ang magulong buhok, hindi nakasarado ang dalawang botones ng uniform, his expressions are warm and it tingles my inside. He holds a white tulip.

JJ. Where's Kent?

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon