I'm a barbie girl, in a barbie world. So fantastic..
"Hello?"
Sino ba naman 'tong ang aga aga e tumatawag na.
"Kakagising mo lang?"
"Malamang. Anong oras pa lang kaya."
"Anong?! Tsk. Hoy Danica Delvin 1:30 na. 1:30 ng hapon, hindi madaling araw. Ngayon na nga lang ulit tayo magkikita after nung graduation tapos paghihintayin mo pa ako ng ilang oras?"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at tinignan ang table clock. Hala lagot! Hindi nga nagbibiro ang mokong.
"Osige. Osige. Ito na, ito na. Wait lang ha. I miss you!"
Sabay baba ng call. Talagang nilambingan ko yung 'I miss you' pampabawi lang hehe. Dali dali akong pumasok sa bathroom at hindi ko na alam ang pinagkaiba ng shampoo sa sabon. Basta may bula pwede na yun. Mabilisang bihis, konting powder at suklay.
"Alis na po ako mama!"
Sigaw ko pababa ng hagdan. Hindi mawari ang lakad-takbong ginawa ko buti na lang may napadaang taxi. Kahit masakit sa lalamunan ay pinara ko na. Ang mahal kaya ng taxi, kung nagbus na lang ako wala pang singkwenta ang magagastos ko pero dahil alam kong kanina pa naghihintay si Kent e kakalimutan ko muna ang pagiging kuripot.
Habang inaayos ko ang nahawing bangs, hindi ko mapigilang hindi mag-reminisce. Ang bilis kasi ng panahon, parang kelan lang dakilang loner ako na walang ginawa kundi sundan ng tingin ang crush kong Chemistry teacher. But with some miracle, may nahulog na anghel at binigyan ako ng mga kaibigan. May bonus pa, gwapong boyfriend. At kelan nga lang e grumaduate na kami. Its been 3 weeks since nung graduation, hindi mawawala ang iyakan at syempre si Sasha ang may pinakamalalang pag-iinarte. Nagkalat pa nga yung mascara n'ya e, ayan tuloy nagkaroon kami ng instant panda nung araw na yun. At graduation day din ang last na kita namin ni Kent.
"Manong sa tabi na lang po."
Para ko, sabay ayos ng damit pagkababa. Take a deep breath Danica, and smile.
I put my best smile and bravest face before walking to the lion's wrath.
------------------------------------------------
Nakita ko s'yang nakaupo sa may fountain na makikita sa gitna ng mall. Nakadikwatro ang mokong habang salubong na ang kilay. May mga lumalapit at nagpapakilala sa kanya pero nginingitian n'ya lang at hindi na pinapansin. I can feel his dark aura even tho we're feet apart. Ilang oras na ba s'yang naghihintay? Ilang beses pa s'yang tumingin sa relo at nagdial sa phone. Nararamdaman ko ang vibration mula sa bag, Ok breath in Danica, you can do this.
So I walk like a queen with my head held high. Pahingi naman ng konting ganda jan Sasha, confidence level lang ang meron ako e.
"Hi Kent. Kanina ka pa?"
Parang tanga naman ang tanong ko, malamang kanina pa s'ya but for the sake of starting a conversation e tinanong ko pa din. hinanda ko na ang sarili ko sa pagtanggap ng galit n'ya but all I see is the glow in his face and that warm smile he always wear when he's with me.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...