Seven: First?

1.8K 34 4
                                    

Dinala ako ni Albert sa isang resto. Puro Mexican food. Mahilig daw sya sa burritos at tacos at gusto nya ipatikim sa akin specialty ng favorite resto nya.

"So ano ba yung sasabihin mo sa akin? Hindi kasi natin napag-usapan last time."

Inunahan ko na sya magsalita. Gusto ko na kasi matapos to. Hindi ko kayang umupo kaharap ang napaka gwapong lalaking to. Hindi kinakaya ng puso ko mga titig nya at bawat kagat nya sa labi.

"Maliban sa pag-aaral ano pa ba hobbies mo?"

Okay. So hindi nya sinagot tanong ko. Baka hindi pa ito ang tamang panahon? Asar excited na ko e.

"Wala na. Mahilig lang ako magbasa at magkulong sa kwarto. Magaling din ako gumawa ng mga senaryo sa utak ko na alam kong hindi mangyayari. Minsan I dreamt of being a princess kaso nalaglag ako sa kama at narealize na hanggang panaginip lang ang mga ganong bagay."

Napahinto ako. Hinawakan nya kamay ko sabay titig sa mga mata ko.

"You ARE beautiful. You should know that by now."

Napa-inhale ako ng malalim. Sya unang taong nagsabi sa akin nun. Maliban sa nanay at tatay ko syempre. Kinuha ko kamay ko sa pagkakahawak nya. Pasmado ako e nakakahiya.

"Thanks. Hehe sorry I'm not making any sense minsan."

Nagtitigan muna ulit kami.

"Sports." Breaking the silence. Wala lang corny na ang titigan e. "Sumali ako dati sa volleyball nung grade 6 ako. Actually pang kumpleto lang talaga, hindi naman kasi ako marunong. Pinapalitan nila ako pag turn ko na magserve. E one time sabi ng ref rotate na, hindi ko namalayan ako na pala kaya hindi nakapag-sub. Grabe nung nagserve ako hindi man lang tumama sa net haha. Tawa sila ng tawa kasi hindi umabot. Kaya yun never na ulit ako sumali sa mga physical sports."

"Haha ang cute naman."

Wow kanina beautiful ngayon naman cute. Hala kuya, hinay hinay naman.

Hindi namin namalayan gabi na pala. Pass 7 na! Paalam ko lang 6:45. Hinatid naman nya ako. Ang dami naming kwento at tawa. Ganito pala ang feeling ng may kaibigan. Wee kaibigan lang ba talaga? Haha oo naman! Pero anong masama kung ka-ibigan mo ang kaibigan mo diba?

"Thanks for the time Nikka."

Kiniss nya ako sa noo. Nilaro nya muna fingers nya. Oi may sasabihin pa yan. Tug-tug, tug-tug sabi ng puso ko. Ito na yun. Ito na yun. Alam ko. Alam na alam ko haha.

"Nikka.."

Sabi na e. Ito na yun. First time ko makatanggap ng confession. Haha teka teka, wala pa pala sya sinasabi assuming na naman ako.

"Eherm, Nikka. Gusto kita."

Inhale! Malalim na inhale! Lumapit sya. As in face-to-face. Hininga ko sa hininga nya.

"Gusto kita..."

Shot! Pa-ulit-ulit kuya? Wag kang hihimatayin Danica. Utang na loob. Wag ka hihimatayin pleaseeeeee.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon