Alam mo yung feeling na three days ka ng hindi kinikibo ng boyfriend mo na minsan napapa-isip ka na kung kayo pa? Oo, hinahatid ka n'ya, kasabay kumain sa break time pero ang cold n'ya. Sa sobrang panlalamig matapunan ka lang n'ya ng tingin kikiligin ka na. Siguro nga naging harsh ako at minsan hindi sensitive, but can you blame me? First time ko magka-boyfriend at kahit na kumportable na ako kay Kent may mga moments pa din na hindi ko alam ang gagawin, nangangapa pa.
"Hoy panget!" Sasha, breaking ang pag-e-emote ko.
"Ang pangit na 'to lang naman ang naging crush ng lalaking kinahuhumalingan mo at may gwapong gwapong boyfriend." taas ng confidence level na sagot ko.
"Wow ha gandang ganda sa sarili? E nasaan na ang pinagyayabang mong 'gwapong gwapong boyfriend'? Ano kinibo ka na ba?"
Natahimik ako sandali at maluha luhang sumagot.
"Hindi pa nga e. Waaah ano bang gagawin ko? May toyo na naman ata yung isang yun e."
"Ikaw ang may toyo. Baklang 'to wala ka kasing ka-sweetan jan sa bones mo. Konting time lang naman hinihingi nung tao, konting lambing, hindi mo pa mabigay."
"E malay ko ba! First time kong magka-boyfriend hindi ko alam ang do's at don'ts. Bat kasi walang guide book sa pagiging mabuting girlfriend e."
"Yan ka na naman sa excuse mong 'first time magka-boyfriend' na yan. Alam mo Danica lahat ng tao dumadaan sa ganyang pace ng buhay, kung hindi sila lumaban o natutong mag-adopt sa paligid nila sa tingin mo ba may makikita kang happy at sweet couple ngayon? Naghahanap ka pa ng guide book, totoong buhay 'to Danica. You take risks and from that you learn. Hindi sa lahat ng pagkakataon e may librong magsasabi sayo ng step by step procedure kung anong dapat mong gawin sa bawat sitwasyon ng buhay."
"Who are you?"
"Ano?" inis na sagot n'ya.
"Who are you? Kung sino ka mang sumapi sa katawan ng kaibigan ko maraming salamat!"
"Bwiset ka talaga Danica! Minsan lang ako gumamit ng brain cells kukutyain mo pa?"
"Ha ha joke lang 'to naman. Hmmn so ano namang dapat kong gawin Ms. Love expert?" pagsusumamo kong tanong.
"Ako pa talaga mag-iisip? Talaga naman oh Danica, ako na nagdala ng tinapay ikaw na magtimpla ng kape."
"Anong tinapay? Anong kape? May burol ba?"
"Oo. Ikaw ang ibuburol. That's a metaphor kala ko matalino ka?" medyo mayabang na sagot n'ya.
"Maka metaphor naman, Agustus ikaw ba yan?"
"Chee! Puntahan mo na lang yung jowa mo baka tapos na practice nun."
Mabilis akong tumayo at inayos ng konti ang buhok. We bid our goodbye at dali dali akong pumunta sa parking lot.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...