Nasabi ko na bang hindi na ko sa cubicle kumakain? Well kung hindi pa there I've said it. Since naging close kami ni Albert e sabay na kaming kumain at umuwi paminsan minsa. I enjoyed his company and his wit. But this time hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. I know it's just a friendly kiss pero hindi ba pwedeng mag-inarte? First time ko yun kahit na sa forehead lang mahalaga pa din.
Lunch break na kaya sabay kaming kakain sa cafeteria. Kinawayan nya ako and he is wearing that smile agad. I felt my insides rumble. Gutom? Medyo. Pero this impact I know for sure is coming from his smile at hindi dahil lang sa gutom ako.
"Ano gusto mo kainin? My treat."
"Anong meron at galante ka ata? Mukang kakabigay lang ng allowance ah."
Panunukso ko. He pulled me closer. Madami kasi kami kasabay papuntang cafeteria. I shove away kung ano mang iniisip ko. It's wrong, specially Albert's been good to me all this time. Nung okay na food namin humanap na kami ng upuan.
Busy ako nakatitig sa salad ko. Wow! Mukhang masarap. Sana lang masarap din sya sa panlasa hindi lang sa mata. Masarap kumain lalo na paglibre.
"May gagawin ka after class?"
"Wala. Cancelled yung pagtuturo ko kay Kent may practice sila e. Thank heavens. Sana lagi na lang sila may practice."
"So you're free? Pwede bang magpasama? May bibilhin kasi ako at kelangan ko ng opinyon mo."
"Sure."
Hindi ko pa nakukwento sa kanya yung usapan namin ni Sir. E paano ko ikukwento sa kanya ng hindi sinasabi yung tanong ko regarding that kiss on my forehead? We're busy talking and eating ng may biglang may mabigat na something sa upuan. Pagkatingin ko si Kent.
"What are you doing here?"
Inunahan ko na sya magsalita.
"Why do you keep on rejecting my calls last night?"
So nandito ka para lang itanong yun? Hindi pa ba obvious na ayaw kita makausap? Duhh.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan e."
"Well, ikaw siguro wala kang sasabihin pero ako madami."
"Tulad ng?"
Sabi ko habang nakataas isang kilay.
"Like thank you for spending some of your precious time with me. And do you know how cute you are when you're mad like that?"
Surprise attack yun ah. I'm not used with those kinds of compliment. I can feel the heat rushing on my cheeks. Tumingin ako kay Albert. Nakatingin lang sya samin.
"Yun lang ba? You're welcome. Now pwede bang bumalik ka na sa mga kasama mong players. Nakatingin na kasi sila dito."
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...