Thirteen: Cross road

1.6K 31 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Yung malaman ng ibang tao ang stalker-ish tendency mo o yung marealize na kalahati sa mga tanong na binigay ng teacher mo e hindi mo alam sagutan? Nag-aral ka naman at alam mong matalino ka, so anong nangyari? And what makes it worse e sa   Chemistry ka pa talaga nagkalat? Paano na ang impress-sir-and-make-him-fall-for-your-brain-and-when-you-know-for-sure-that-he-is-into-you-confess-your-undying-love plan? Ang haba no, well kanina ko lang naisip yang planong yan. Pero pano ko sisimulan kung ngayon pa lang e tagilid na ko?

Habang iniisip ko yung sagot hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay Sir. Kung bakit ba naman kasi nahuli ako ng ilang taon ipanganak, edi sana wala akong kinahaharap na problemang ganito. At bakit ba naman kasi pinagbawal ang teacher-student relationship? Alam ba nila kung gaano kahirap magpigil? Hindi ba nila naisip na isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan mag-focus ang mga estudyante dahil busy sila kakapantasya sa taong malapit nga pero hindi nila maabot. Alam ba nilang....

"Nikka. Pssst!"

"Oh?"

"Kanina pa kita tinatawag. Anong sagot mo sa number 17?"

Si Albert nagtatanong. Kanina pa daw nya ko tinatawag o baka naman kanina pa nya ko binabato ng maliliit na piraso ng papel?

Binasa ko yung tanong. Who is the creator of the first version of periodic table?

"Dmitri Mendeleev."

Pabulong kong sagot.

"Ano spelling?" Tanong nya.

"D-M-I-T-R-I-M-E-N-D-E-..."

"Yes Danica. Do you wish to say something?"

Shot! Narinig ata ako ni Sir. Tumingin ako kay Albert namula sya. Tumingin ako kay Sir. Tinititigan nya ko. Eye to eye. Kung nasa ibang sitwasyon siguro ako kikiligin ako ng husto. Malas. Malas. Malas.

"Umm, nothing sir."

"I wish to talk to you after class."

Ano to date ulit?! Hala, hindi ko matatawag na detention ang gagawin sakin kung ganito din naman kagwapo ang kakaharapin ko.

"Okay Sir."

Sabi ko sabay smile. Tinignan ako ng mga classmate ko, nagtataka siguro sila kung bakit ang saya saya ko ngayong siguradong papagalitan ako. Haha well, maldita na kung maldita, pero kung alam ko lang na masosolo ko si Sir sa ganitong paraan edi sana matagal ko na tong ginawa haha.

------------------

" Well Danica?"

"When can I meet this person Sir?"

"Hopefully bukas. I trust you kaya nga sayo ko pinagkatiwala ang pagtuturo. Kung mahirapan ka naman lumapit ka lang sakin. Okay lang ba?"

"Okay naman po Sir."

"Thank you Danica. I'll leave everything to you."

----------------

"Kamusta? Pinagalitan ka ba ni SIr?"

Sabi ni Albert nung pagkalabas ko ng classroom. Tinignan ko sya ng masama. Kasalanan mo to! Pero hindi ko magawang magalit sa kanya ng todo specially when he's staring at me with those puppy eyes.

"Humingi lang sya ng favor. Gusto nya ko magtutor sa isang student."

"Tinanggap mo naman?"

"Oo. E paano naman ako hihindi kay Sir? Minsan lang sya lumapit sakin aayawan ko pa ba?"

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon