FourtySix

983 14 4
                                    

Tulalang nakatingin ako sa ceiling ng clinic. Hindi pa bumabalik yung nurse simula kanina at hanggang ngayon e hindi pa din ako makagalaw pagkalabas ni Sir. Panaginip lang ba 'to? Dahan dahan akong napahawak sa pisngi kung saan dumampi ang mga labi ni Sir.

"Danica Delvin, please don't kill me for this."


Paulit ulit na tumakbo sa isip ko yung sinabing yun ni Sir. Hanggang ngayon ay hindi ako makapanilawa sa bilis ng mga pangyayari. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko na hindi pa rin makalma hanggang ngayon. At ang nginig sa kamay ni Sir nung hinawakan n'ya ako sa pisngi bago i-kiss, hanggang ngayon andun pa din.

Ehh kinikilig ako. Ay mali! Mali! Ano ka ba Danica may fiance na s'ya.

"Anong ginawa mo sakin Sir." mahinang usal ko.

"Danica!" mabilis na hinagip ako ng realidad nung marinig ko ang boses ni Sasha nung buksan n'ya ang pinto.

"Oh gising na pala ang prinsesa?"

Sarkastikong bati n'ya pero halata ang pag-aalala sa mga mata n'ya.

"Anong nangyari sayo? Ang ganda na e, puuuuurrfect na yung pinractice natin. Ang kaso wala sa script ang pagtumba mo habang rumarampa."

Umupo ako galing sa pagkakahiga, hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita kay Sasha. Hindi pa ko nakaka-get over sa ginawa ni Sir e. Haha makapag-inarte lang ba, pagbigyan.

"Hoy teh! Are you with me Danica? Aba ba't ganyan ang itsura mo, saan ang burol? Sige sagot ko na kape Starbucks pa."

Hindi ko mapigilang mangiti sa sinabi n'ya. Ganito na pala kami ka-close at nagagawa na n'yang mag-joke sa'kin haha.

"Ano, sino palang nanalo?"

Pag-iiba ko lang ng usapan.

"Hmp. Nakakainis ka, si Tyra ang kinoronahan as usual. Ba't kasi naman ang ganda na ng hatak mo sa crowd e tanggalin lang talaga yung eksenang pahimatay himatay mo dun. Di bale runner up ka naman haha."

Medyo nalungkot naman ako at nahiya kay Sasha. S'ya kasi talaga ang naging punong abala sa pagta-transform ko. Gusto ko din naman manalo, kaso wala e hindi napagbigyan.

"Sinong nanalo sa mga boys?"

"Eeeeeh! Grabe nakakakilig yung kanina."

Hinawakan pa n'ya yung pisngi n'ya na kala mo kilig na kilig.

"Wag ka nga mambitin, sino na nanalo?"

"Si Kent! Pero para sakin si Albert pa rin ang pinaka-gwapo. Pero ayos na din na hindi s'ya ang nanalo dahil hindi ko alam kung saang parte ng buhok ni Tyra ang una kong gugupitin."

"E nasaan na yung nakakakilig na part?"

Takang tanong ko dahil hanggang ngayon e kulay kamatis pa rin s'ya sa kilig.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon