Wala akong hilig sa sports. Ayaw ko ng mga bagay na ikapapawis ko kaya nga lagi lang ako sa library. Mas gusto kong manood ng mga naglalaro kaysa maging isa sa kanila. Pero ngayong matanda na ako napansin ko ang malaking pagkakaiba ng mga varsity sa tulad kong simpleng estudyante.
Pag-varsity ka pinagtitinginan ka ng mga tao na may halong pagkamangha at minsan inggit. Pag ikaw naging ako, swerte mo na kung mahagip ka nila ng tingin.
Pag-varsity ka ngitian mo lang si classmate papakopyahin ka na. Pag ikaw naging ako, ikaw na nga kinokopyahan wala man lang simpleng "thank you" at babalik pang lukot lukot ang papel mo. Tissue paper?
Pag-varsity ka pati tindera sa canteen inuuna ka. Pero pag-ikaw naging ako laging walang barya kaya hindi ka nila pagbebentahan. Yung totoo money exchanger ba to o canteen?
Pag-varsity ka laging excuse pag may practice o laro. Pero pag ako ikaw, bawal magkasakit dahil pipila ka ng mahaba para lang makakuha ng form at papasukin sa klase mo. Kaya nung minsan pumasok akong nag-aapoy sa lagnat. Nagalit si teacher bat daw ako pumasok pa. Gusto ko sya sagutin, bakit ikaw ba pipila para sakin pagkumuha ako ng excuse form? Pero hinimatay na ko nun kaya hindi ko na nasabi. Sayang!
Kaya ayaw ko sa mga varsity players. Ang dami nilang benefits. At ang nakakainis pa bat lahat o karamihan sa kanila e gwapo,matatangkad at mayayaman? Ang taas naman ng requirements paggusto mo maglaro para sa school. E pano yung mga pandak, pangit at mukang mababaho pero magaling maglaro, wala ba silang K?
Oo tama ka. Ayaw ko sa kanila dahil naiinggit ako sa mga benepisyong nakukuha nila maliban sa libreng tuition fee at allowance sa school. Ayaw ko sa kanila dahil gwapo sila. Ayaw ko sa kanila dahil sanay silang tinitilian sila. Ayaw ko sa kanila kasi hindi nila ako napapansin. Ayy mali! Pero pwede na din.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...