ThirtyEight: RAMONES

1.1K 19 12
                                    

Tic tok tic tok.

Limang minuto pa lang ang nakakalipas simula nung umalis sina JJ at iniwan ako sa piling ng halimaw na 'to. Limang minuto. Limang minutong walang kibuan. Sige isang minuto pa. Pag hindi pa din nagsalita tong katabi ko uuwi na talaga ako. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7........54 55 56 tatayo na talaga ako 57..

"Patingin ng paa mo."

Tatlong segundo na lang tatayo na ko e. Bat kasi nagsalita pa.

"Ha?"

Nagtataka kong tanong.

"Sira sandals mo db. Patingin ako baka pwede pang maayos."

Kelan pa n'ya napansing sira ang sandals ko? Hindi ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko. Hindi ako nakaimik nung yumoko s'ya at hinawakan ako sa ankle. Iaangat sana n'ya paa ko kaso hello nakapalda ako.

"Uy anong balak mo?"

Tinignan n'ya akong nagtataka.

"State the obvious? Nakapalda ako db?"

"Kala mo naman may titingin d'yan at kung may mapatingin man may makikita ba?"

"Siguro sayo walang epekto tuod ka kasi." Pinalo ko yung kamay n'yang nakahawak pa din sa ankle ko.

"Ang arte mo talaga. Sino ba kasing kasama mo at nakapalda ka pa? Inayos mo pa buhok mo kala mo ba bagay sayo?"

Ang hard naman nun. Kinagat ko labi ko para hindi ako tuluyang maiyak. Alam ba ng mga lalaki kung gaano kahirap maging babae?

"Ewan ko sayo. Tabi nga, uuwi na ko."

Tumayo na ko at desidido na kong aalis. Kayanin man ng sandals ko hindi basta uuwi na ko at malayo na dito sa lapastangang lalaking 'to. Bigla n'ya akong hinila at napaupo naman daw ako.

"Ano ba uuwi na nga ako e."

Dito napaiyak na ako ng tuluyan. Hindi ko pa nalilimutan yung kay Sir Franco tapos 'tong lalaking 'to kung ano ano pang pinagsasabi sa porma ko. Ilang oras kaya ako nag-ayos tska first time kong magayos ng ganito.

"Sorry na." Pinunasan nya yung luha ko, tinapik ko yung kamay n'ya. "Sorry na nga e."

"Alam mo ba pinagdadaanan ko? Nakakainis. Bat kasi kelangan pa mangyari 'to e."

"Ano ba kasing nangyari?"

"Ano bang pake mo? Tabi. Uuwi na talaga ako."

"Uuwi ka ng ganyan?"

"Pabayaan mo na lang ako. Ikaw na may sabing walang pansinan tapos ngayon bigla bigla kang dadating at aarteng kala mo knight in shining armor ko?"

"Okay sorry na. Ilang araw na tayong hindi nagpapansinan tapos makikita kitang ganyan ang ayos tapos may kasama ka pang lalaking hindi ko kilala?"

"Hindi ko din naman kilala yung lalaking yun ah."

"And I just saved you sa mga manyak na yun tapos hindi ka man lang nag-thank you at ikaw pa nang-aayaw sakin ngayon?"

"Kung naghihintay kang mag thank you ako wag na. Mamumuti lang mata mo kakahintay. You won't hear me say that."

Actually magte thank you naman dapat ako kanina kaso hindi mo ko pinansin kaya nainis na din ako. Huminga lang s'ya ng malalim at tinignan ako na parang inis na. Pinunasan ko luha ko.

"May sasabihin ka pa? Kung wala na bitawan mo na ko."

Tinignan ko yung kamay n'yang kanina pa nakahawak sa braso ko. Hinigpitan n'ya yung pagkakahawak at lumapit ng very very close.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon