FiftySix: Walk-Out

702 17 1
                                    

"Hello ma?"

"Danica?! Ikaw bata ka kung may plano kang ganyan sana sinabi mo agad para nakapag-ready ako sa papa mo. Okay lang naman basta magpaalam ka para nakakapaghanda ako ng speech ko hehe."

Ito ba yung galit? Napatingin ako sa phone at tinignan kung tama ang number na tinawagan ko.

"Andito po ako kina Kent mama."

"Oo nga tumawag na si Kent kanina, pinagpaalam ka. Ang madrama mong papa muntik ng atakihin buti na lang napakalma ko. Ok naman na s'ya ngayon natutulog na. Anong bang nangyari anak?"

Hinilot ko ang ulo ko bago kinwento ang nangyari.

--One hour and fifteen minutes ago--

"Kent?"

 

"Umn?" sagot n'ya.

 

Nahihiya na ako kasi kanina pa kami magkayakap pero nahihiya din akong tanggalin ang pagkakakapit dahil maaalala ko na naman yung sizzling hot na kiss n'ya.

 

"Anong oras na ba?"

 

Natauhan ang mokong at tinanggal ang pagkakayakap. Napamura pa s'ya bago ako sinagot.

 

"Gaano ba katagal ang byahe papunta sa inyo? Twenty minutes na lang before 1."

 

Nag-aalalang sagot n'ya.

 

"Kaya pa yan. Tara na."

 

Nauna akong lumusot sa pinagsuksukan namin kanina. Nangangalahati pa lang yung katawan n'ya ng may tanod na pinituhan kami. Nataranta ako at hinila hila s'ya para bilisan ang pagkilos. Tumakbo kaming parang mga magnanakaw at sa bawat hakbang nakasalalay ang buhay. Bakit nga ba kami tumatakbo? Wala naman kaming masamang ginawa ah maliban na lang sa trespassing. Hehe sinasarado kasi talaga yung park tuwing gabi, pinagkukumpulan daw kasi dati ng mga adik, nagmimilagro at mga holdaper.

 

"Time out. Time out." Hingal na sabi ko.

 

Pumunta kami sa may eskenita para magtago. Nung nakalampas na si mamang tanod, bumalik kami sa dati naming dinaanan. Naaaninag na namin yung park ng biglang buhos ng ulan.

 

"Halaa!" sigaw ko. Kala mo naman titila ang ulan sa pagsigaw ko.

 

Nilagay ni Kent yung coat n'ya sa ulo ko at yakap yakap n'ya akong tumakbo. Basang basa kaming nakasilong sa waiting shed. Wala ng tao, malamang anong oras na. Niluwagan ni Kent yung tie n'ya at dun ko lang napansin ang pagbakat ng basang damit n'ya sa katawan n'ya.

 

Grabe. Nanlalaway na naman ako. Ay masama ito, pinagnanasaan ko ang boyfriend ko!

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon