Tuesday ngayon at as usual e tuturuan ko na naman si Kent the Jerk. Hindi ko alam kung ano pa ang sense ng lahat ng ito. Obvious naman na alam na n'ya ang ginagawa n'ya and I hate to admit na mas magaling s'ya kesa sa akin sa ilang bagay.
Pero bago ang lahat, hahanapin ko muna si Albert, chaperon ko yun e.
"Hi."
Bungad ko nung nakita ko na s'ya. May kausap ang bata at mukhang nag-eenjoy s'ya. Ngayon ko lang nakita kung sino ang kausap n'ya. Matangkad, itim at shiny ang hair na parang ang sarap hawakan. Nahiya naman ako sa tikwas kong buhok. He's standing one leg at sure akong mas matangkad pa s'ya kay Albert.
"Nikka."
Sabi ni Albert as he pulled me out of my reverie.
"This is Carlos my long time friend. Galing s'yang London and he's here for a visit. Carlos this is Nikka."
Nginitian ako ni Carlos as Albert wrapped his arms around me. I smiled back at dahan dahang hinila si Albert palayo.
"Is he your...."
Hindi ko alam paano dudugtungan e. Ano nga ba boyfriend? Lover? Partner? Nahulaan siguro ni Albert ibig kong sabihin at nanlaki mata n'ya.
"No. No. Nikka. We don't have any romantic relationship if yun ang gusto mong itanong." Pabulong n'yang sabi. "Eventhough yeah I'm gay hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend. And I'm single just like you."
There is playfulness in his tone at hindi ko mapigilang hindi s'ya asarin.
"You know, I won't mind if you date him. He's bloody gorgeous oh. Teka, teka alam ba n'yang hindi ka straight?"
"Nah. Ikaw lang."
Then he gave me that smile that made me regret na sayang hindi babae ang gusto n'ya. But somehow, I felt na ako ang pinaka-close na tao sa kanya. And we're sharing secrets only the two of us know.
"Okay. So ipasyal mo muna si Carlos. Matagal tagal din ata kayong hindi nagkita e."
"E paano yung pag-tutor mo kay Kent, ikaw lang mag-isa pupunta?"
"Kaya ko na yun. Tinasahan ko naman pencil ko ng tatlong beses in case na hindi ko magustuhan actions n'ya.'
Nilabas at pinagyabang ko ang matulis kong lapis. Actually hindi ko alam kung saan ko ito pwedeng itusok sa kanya paghinaras n'ya ako. Wala naman akong balak murderin s'ya, just injure him for him to know not to mess with me.
"Sorry Nikka."
"Albert, okay lang. Hindi naman ako pwedeng laging dumepende sayo diba?"
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...