Eleven: Marshmallow Potato

1.7K 33 3
                                    

Yesterday is nothing but history. Magso-sorry na lang ako kay Sir for bailing him at the last minute. Well, nanghihinayang din naman ako pero alam ko na ang sagot sa mga tanong ko so no need for his help. Pero syempre gusto ko pa din sya makausap. At sana, sana lang ay hindi ko na makita o makasalubong man lang ang It Girls.

"Oh. Good morning Danica."

Shot! Ayaw ko ng lingunin pa kung sino man nagmamay-ari ng boses na to. Actually gusto ko ng tumakbo. Pero syempre hindi ko ugaling takbohan mga problema at lalo na kung ganito kaganda ang problema ko.

"Good morning din Sasha."

Ganda ng smile ko. Syempre hindi ako papakabog. Nagulat ako kasama nya si Albert. Kaya naman pala ang plastic nya para batiin ako ng good morning. Nagpapa-impress. Nakatingi lang sa amin si Albert. Siguro nagtataka din sya since when kami naging close ni Sasha para magbatian ng good morning. Haynako Albert, kung alam mo lang.

"So papasok ka na ba Nikka? Sabay na ko." Sabi ni Albert sabay akbay sakin. "See you around Sasha."

Ha! Hindi ko na sya kelangang lingunin pa dahil ramdam ko na init ng tingi nya sakin. Well isipin nya gusto nyang isipin sa amin ni Albert. And yes b*tch! Close kami. Live with it. Mwahaha

"So kelan pa kayo naging close ni Sasha?"

There's a mockery in his voice. And the way he said it, gosh! He's too sexy. Bat kasi hindi tayo talo e. Pwede maging isa kang tunay na lalaki. Kahit ngayon lang?

"Kahapon lang honestly." Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ung nangyari kahapon. Friends naman kami diba so siguro okay lang? "Kinorner nila ako."

"WHAT?!"

Oi concern o baka naman gusto lang malaman ang buong istorya? Haha.

"Alam mo namang gusto ka ni Sasha diba? E kung sa hindi mo alam edi ngayon alam mo na. Ayon nagseselos kasi close na close daw tayo."

"Gosh! She had the nerves to do that to you? Alam mo sis pagginanyan ka pa nya nako magkaalaman na. But I'll gonna hit that b*tch until malaglag ang retokada nyang ilong."

"Hahaha no need to do that. Kaya ko naman sarili ko. Wait. fake ang ilong nya?"

"Oo ano ka ba. Obvious naman e. Kung nakita mo lang pictures nya in grade school hindi ka maniniwalang sya yun."

Napapagaan talaga ni Albert ang loob ko. Ang dami naming napagkwentuhan kahit anjan na ang teacher e sige pa din. First time ko nagawa yun, hindi makinig sa teacher, kasi ngayon lang naman ako nakahanap ng friend na kumportable ako at kumportable din sya sa akin.

-------------

Hala Chemistry na. Kinakabahan ako wala naman ako dapat ikakaba diba? Wala nag-iinarte lang. Binibigyang kulay ang mga bagay bagay na hindi naman talaga importante para lang may masabing exciting ang buhay ko.

I-skip na natin ung part ng discussion. Hindi ka din naman interesado wag kang plastic! Nung nagbell na nagsitayuan na mga classmates ko habang nag-aayos si sir ng desk nya.

"Una na ko Nikka."

"Sige. Ingat ka Albert."

Huminga ako ng malalim, inayos ang bangs ko na hindi naman kelangan ayusin dahil sa tigas ng buhok ko akala mo naka-gel at sabay smile. Pampa-good vibes lang. Nung papalapit na ko kay sir. Tapos na sya mag-ayos ng gamit at papalabas na. Ang bilis. Pero I'm sure na alam nyang lalapit ako sa kanya. Duhh ano sya tanga? Manhid? Magpapaiwan ba ko sa klase kung hindi ko sya gusto kausapin?

"Sir. Sir."

Hindi man lang nya ko nilingon! Isnabero. Kinuha ko bag ko tapos hinabol ko sya sa hallway.

"Sir. Sorry po hindi ko na kayo nahintay kahapon." Hingal kong sabi sa kanya.

"It's okay."

Hindi man lang nya ako tinignan nung sinabi nya yun. Fix ang mga mata nya sa daan. And I know for sure na hindi sya okay.

"Umn. Kamusta naman po yung faculty meeting kahapon?"

Wala na ko masabi e un lang unang pumasok sa isip ko.

"That matter is private. You're a student hindi part of the faculty."

Ouch! Alam ko naman yun. I'm just trying to make a conversation with you, Sir. Ang awkward kaya maglakad sa hallway in pure silence. Huminto ako. Lakad pa din sya.

"I said I'm sorry!"

Finally huminto din sya. Lumingon sya ng dahan dahan.

"I said it's okay. It's fine."

"It's the way you said it's fine that bothers me. Alam kong hindi okay."

Lumapit ako. Eye to eye kami. Ang tapang mo Danica. You deserve a hundred points for that! Haha. Minasahe nya noo nya. Kahit sa paggawa ng mga simpleng bagay, bakit ang sexy mo pa din?

"Look. Danica you're one of my brilliant students. I enjoyed your company, your wit and your intelligence. So could you just let this go? I said it's okay. I waited for you for 2 hours and maybe I'm a little bit pissed by that." Hinawakan nya balikat ko. Natouch naman daw ako. Naghintay sya ng 2 hours? Ouch. Mejo guilty na din. "And I'm sorry that is so immature of me. So alam mo na ba yung sagot sa mgatanong mo?'

Change topic. So siguro wag ko na nga ipush yung issue kasi may kasalanan din naman ako. Sana nagpaalam na alng ako sa librarian na if ever hanapin ako ni Sir e sabihin umalis na ko. Pero anong magagawa ko, I was shaken during those times. Pero ang bait ni Sir. Napaka mature nya at gusto ko din yung side na pinakita nya ngayon. Hala I'm falling harder.

"Okay na po Sir. Nakuha ko na sya kagabi."

"Well that's good. So kung may itatanong ka ulit sakin wag kang mahiyang lapitan ako okay? See you around." Winked sabay smirk ang peg ni Sir.

OH MY GOSH! He winked at me. Nagwave na lang ako ng kamay na parang 5 year old kid. Gosh! That wink. That smirk. I'm so gonna die.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon