FiftyThree: Winter Kiss

798 20 3
                                    

Hello sunshine. Hello beautiful flowers. Hello mga uod at tutubi. Hello manong na nagtutulak ng kariton. Hello sa mag-couple na parehong lalaki na naglalakad magka-holding hands. Hello world! What a sweet sweet life. Haha ako na in love. Magtu-two weeks pa lang na kami ni Kent pero kung makangisi naman ako kala mo golden anniversary na namin.

Alam na ni Sasha at Albert na kami na ni Kent. Hindi pa namin pinagsisigawan sa school dahil we like to keep it private. Yes, artista? Haha actually ayaw ko lang ng gulo sa mga may crush kay mokong, lalo na kay Tyra. Alam na din ni mama at papa, sinabi ko nung hinatid n'ya ako ng gabing sagutin ko din s'ya. At alam na din ng mama n'ya, kaya nga hinihintay ko ngayon si Kent at pupunta kami sa bahay nila.

Kinakabahan ako, first time ko kaya! Tska hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pag-andun na ako. Magustuhan kaya ako ng papa ni Kent?

Narinig kong may kumatok sa gate, pinagbuksan ni mama yung kumatok at alam kong si Kent na yun. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba papunta sa sala. Grabe ang gwapo naman ng jowa ko. Simpleng blue na v-neck shirt at maong pants lang pero grabe ang epekto. How can he look so hot even in simple clothes? He smiled and took my hand nung magkatabi na kami.

"Una na po kami Tita. Ihahatid ko po si Danica bago ang curfew n'ya."

Paalam n'ya kay mama. I smiled nervously and mama smiled at me in the brink of tears. Grabe naman mag-emote si mother kala mo mamamanhikan na ako.

"You nervous?"

Tanong n'ya habang nagda-drive. Papalit palit yung tingin n'ya sakin at sa kalsada. I smiled and nod. Sino ba naman kasing hindi kakabahan di ba? Hinawakan n'ya yung kamay ko while his other hand is on the wheel. He smiled and I forgot how to breath. Mukhang hindi ako tatagal ng isang taon pagkasama ko 'tong lalaking 'to. He's bad for my heart na ang bilis bilis na naman ng kabog.

"Don't worry they'll like you." he assured me.

Ang bilis ng pangyayari. Parang kanina nasa loob lang kami ng kotse n'ya tapos ngayon nakaupo na ko sa dinning table nila habang pinupunasan ang laway na kanina pa tumutulo. Ang daming foods! At nakakasilaw pa ang mga ka-table ko. Gwapo ang papa ni Kent, they have the same smile. Alam ko na kung kanino nagmana ang mokong sa mga ganung ngitian. And he has his mother's eyes, parang laser beam that will pierce into your soul. Wala yung kuya n'ya, nangibang bansa.

"Let's eat!" Masiglang panimula ni Tita.

"Kain ka lang ng kain hija. Niluto lahat yan ng honey ko kaya siguradong masarap." Ngumiti ng matamis si Tita ng dahil sa sinabi ng asawa n'ya. Ang sweet lang nila.

"Tikman mo 'to." nilagyan ng kare-kare ni Kent yung plato ko. "Tska 'to." sabay lagay ng tempura, nilagyan n'ya din ng fried talaba, putol ng steak, isdang hindi ko kilala at corn na may carrots. Natigil lang s'ya nung tumawa si Tita.

"Ano ka ba Kenny baka sumakit ang tyan ni Danica, ang dami mo ng nilagay oh."

"Madami ba? Malakas pong kumain 'to mommy baka nga kulang pa e."

Hinampas ko s'ya ng mahina sa braso. Grabe talaga 'to, baka sabihin nila patay gutom ako at hindi pinapakain sa bahay. Pero totoo namang malakas akong kumain pero hindi tulad ng iniisip nila ano!

"Let her take what she wants Kent." sabat ni Tito habang nakangiting nakatingin sakin. Nahiya ako but I smiled back.

Kumakain ako habang nag-uusap sina Tito at Tita tungkol sa next project nila. May balak ata silang mag-expand ng business. Nasabi ko na bang ang laki ng bahay nila Kent? Yung tipong kelangan mo pang gumamit ng google map para hindi maligaw at kelangan pa ng GPS para malaman kung saang parte ng bahay makikita ang mga tao? Haha di, joke lang. Mayaman sila pero simple lang ang bahay. Two story, dalawang living room, dirty kitchen, dinning area, apat na CR, apat na kwarto lahat masters bed room at isang guest room. Meron din silang movie theatre. Lahat yan sinabi lang ni Kent, hindi ko pa nalilibot ang bahay nila. Hanggang garden at dinning area pa lang ako hehe.

True Confessions of a Four-Eyed NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon