Zic POV
Agad akong bumalik sa loob. Uuwi na lang kami ni Denise. Wala naman akong napala sa auction na to.
Pagkabalik ko.. nakita ko si Denise na may kausap?
Si Mr. Racci? kinabahan ako bigla. Isa itong sikat na architect malapit sa villa. Agad ako lumapit sa kanila.
"hello po sirrrr. I'm a big fan of yours. Pwede po ba akong makahingi ng autograph nyo po?" -Denise
"oh hi.. thank you so much hija.. wait.. I..I know you.." takang taka ang mukha nito.
"D..Denise Ventura?" -Mr Racci"omg yesss sir.. pano nyo po ako nakilala" -Denise
"ofcourse I know you. Teka.. bakit ka andito? How's your dad? Matagal ka na nila hinahanap ah wh--------" naputol ang sinabi nito dahil bigla na ko dumating.
"good day sir, please excuse us" agad kong hinatak si Denise.
wait dinig kong sabi ni Mr. Racci pero dire diretso hatak ko kay Denise. May nakakilala sa kanya!
"Zic.. wait lang.. gusto ko pa sya makausap. Hindi mo ba nadinig kilala nya ko! Kilala ako ng isang sikat na architect ang saya saya ko. Please kakausapin ko lang sya saglit"
"Please Denise! Umalis na tayo! Sumunod ka na lang pls" panay ang tingin ko kung nakalayo na ba kami.
"Zic pleaseee.. gusto ko sya makausap saglit lang. Kahit saglit lang payagan mo ko pls"
"No! uuwi na tayo!"
"Zic naman eh.. ngayon ko lang nameet yung taong inaadmire ko. Saglit lang pls.."
"shut up!"
Huminto sya sa pagsunod sakin. Pilit na Tinatanggal nya ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Please Zic.. saglit lang .. gusto ko sya makausap.. hindi mo ba nadinig kilala nya si papa.. gusto ko lang s---'
"PWEDE BA!! TUMIGIL KA NA!!!" Pinipilit ko ikalma sarili ko. Natatakot ako kung anong pwede nyang malaman! Bakit napakatigas ng ulo nya!
"bakit ba ang damot damot mo" nakita kong tumutulo ang luha nya. "bakit lagi mo ko nilalayo sa mga tao" patuloy ang pagtulo ng luha nya at hindi ko alam kung pano yun patigilin.
"uuwi na tayo" yun lang ang tanging nasagot ko "please naman! sumunod ka na lang"
"h..hindi.. ayoko"
"isa! wag mong antaying kaladkadin pa kita!"
"lagi naman kita sinusunod ah.. *sob* ano bang masama kung makausap ko sya! Bawal na ba yun? Hindi kasi kita maintindihan eh! Lahat pinagbabawalan mo sakin!"
Napipikon na ko ang haba ng usapan! "sa bahay na lang tayo mag usap" hahawakan ko sana ang kamay nya pero tinabig nya.
"ayoko.. hindi pa ko uuwi!" lumapit ako at mariing hinawakan sya sa braso. "bitawan mo ko Zic.. nasasaktan ako!"
"pag may sinabi ako! Susundin mo naiintindihan mo! wala kang karapatang tumanggi sakin!" sapilitan ko syang pinapasok sa kotse pero ayaw talaga nya.
*pak!*
Natigil kaming dalawa dahil sa nagawa ko. Nabigla din ako sa inasal ko.
Nasaktan ko na naman sya. H..Hindi ko naman sadya. Hawak hawak nya ang pisngi nya at lumuluhang tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...