Part 2 Chapter 17

318 9 20
                                    

Denise POV

"gusto ko ang babaeng kasama mo" nagulat kami parehas ni Zic sa sinabi nya.
Anong pinagsasabi ni Sir?

"anong sabi mo?! Tarantado ka ba?!" si Zic. Gusto ng sugurin ni Zic si Sir Ciro pero napakadaming guard sa paligid nito.

"pag-isipan mo? 5 million yun Saavedra. Isang gabi lang kasama ang babaeng yan?" nakangising sabi nito.

Itinikom ni Zic ang kamao nya. Kinakabahan ako baka kung ano ang mangyari sa pagitan nila.
"tingin mo ibibigay ko sya sayo?! Hindi bayaran ang babaeng kasama ko!"

"oh ba't nanggagalaiti ka?! Gusto mo ba talaga ang babaeng yan? Hindi ba't niloloko mo lang sya?? Kaya ibigay mo na lang sya. Hindi pwedeng ikaw lang ang nanloloko hayaan mo syang makahanap ng iba"

"a..anong niloloko ako?" tumingin ako kay  Zic na parang namumutla sa sinasabi ni Sir.

"hindi ba't may iba kang babaeng nakakasama Zic? May iba kang karelasyon? Malapit pa sa babaeng to. At ikaw naman Denise pumapayag ka sa ganung sitwasyon? Dati pa tatanga tanga ka. Hindi ko maisip na mababa kang babae. Wag mo sabihing dalawa kayong kinakama ng lalaking to? Wa-------"

Umakma si Zic na susuntukin ito pero agad nakaiwas si Sir. Tumayo ito at pinagitnaan na ng mga bodyguards nya si Zic.
"demonyo ka talaga Davis!"

"hahaha! Wag ka magbalak pa lumapit sakin! Kahit dulo ng daliri mo hindi aabot sakin" ayaw magpapigil ni Zic hanggang sa binugbog na sya ng mga tauhan nito.

"Zic pls tama na.. Umuwi na tayo plss" pagmamakaawa ko dito pero bakit ayaw pa din nya magpatalo.

Hindi ako makalapit anlalaking tao ng bumubugbog sa kanya.
"tama na po plsss" nakatingin ang lahat at nagbubulungbulungan. Nakakahiya. Eksena kami dito.

Tumingin ako kay Sir kung san nakitang nakatingin lang ito habang binubugbog si Zic. Napakawalang awa nya. Bakit gustong gusto nyang nanakit ng mga tao sa paligid nya.

"sir plss tama naa... Aalis na lang kami. Wag mo syang saktan pls. Pigilan mo na sila plss" pagmamakaawa ko dito.
Tinignan ako nito. Hindi ko mabasa ang emosyon nya. Bakit pakiramdam ko galit na galit sya samin.

Umiyak ako dahil nakita kong wala nang lakas si Zic. Hinawakan ko ang kamay ni Sir at nagmakaawang tumigil na.
"Im sorry sir hindi na po ito mauulit. Wag nyo na syang saktan pls. Kami na lang ang lalayo. Sabihan nyo na ko ng masasakit na salita pero wag po sya plss"

Hindi ko alam kung naawa ba sya sakin pero bigla nyang pinatigil yung mga tauhan nya. Lumapit ako at inalalayan si Zic. Hinawakan ko ang mukha nito dahil dumudugo ang labi at sa bandang noo nito.

Tinignan ko si Sir. Hindi na sya galit. Pero ang nakikita ko lang ay malungkot sya. Malungkot syang makita kami. Hindi ko sya pinansin at agad kong pinunasan ang mga dugo ni Zic. Nakatingin ang mga tao sa paligid namin.

"wag nyo sila hayaang umalis ng di nakakabayad" sabi nito at agad ding umalis.

Inalalayan ko si Zic tumayo. Hinarang kami dahil wala pala talagang pambayad si Zic. Bakit sya sumugal ng ganung kalaki. Wala naman pala syang pera. Binigay nya ang kotse nya bilang pambayad.

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon