Denise POV
Ihatid ko na po kayo
Nakahinga ako ng maluwag nang may isang mabuting taong maghahatid daw sakin hanggang sa bahay ko. Siguro ay naawa sya dahil habang naglalakad umiiyak ako.
Napakasama talaga ng ugali ng lalaking yun! Iwan ba naman ako sa gitna ng napakadilim na highway na to.
Nakakatakot ang tunog ng mga puno.
Takot pa naman ako sa dilim!Napakabait ni manong at inihatid ako
hanggang sa bahay. Hindi gaya ng demonyong boss ko.
"manong wait lang po kasi nasa loob ng bahay ang pera ko" sabi ko.
"ay hindi na maam, bayad na po kayo" sabi nito.
"bayad? Hindi pa po ako bayad"
"ok na po, sige na maam. Una na po ako" sabi nito at umalis.
Hindi pa ko bayad ah?? Seryoso ba? Napakalayo ng binyahe nya sakin. Hindi man lang sya tumanggap ng bayad.
Hayyyy ang bait ni manong 😊 Napakaswerte ko at nadaanan nya ko."ginabi ka ata?" napatingin ako sa nagsalita. Si kuya Harry, kapatid kong lalaki. Pero Harrison ang totoo nyang pangalan.
"wala ka bang pera dyan? Wala na ko eh" maangas na sabi nito."kuya kakabigay ko lang sayo nung nakaraan. Wala na kong pera ngayon"
"tss dinig ko sabi mo sa driver, nasa loob pera mo? O andito ba" bigla nyang kinuha yung bag ko at kinuha wallet ko.
"tumigil ka na! Wala nga akong pera di ba?! Ayaw mo talaga tumigil sa pag-aadik mo!" sigaw ko dito.
Napikon to sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"hindi ko kailangan opinyon mo! Magbibigay ka ba sakin o hindi!" sabi nito. Sapilitan nya pa din kinuha ang wallet ko at kinuha ang natitirang pera ko dito.Masama ang loob ko sa kanya. Simula pa noon pasanin sya ni papa. Madalas nya din akong nakawan.
Umalis si kuya at basta na lang binato sakin ang bag ko. Babalik na naman sya pag wala na ulit syang pera.
Wala lang akong magawa dahil kinupkop nila ako. Nirerespeto ko pa din sya dahil para sakin nakatatandang kapatid ko sya.
Ang sabi ni papa. Hindi nya daw ako tunay na anak at inampon nya lang daw ako. Matalik na kaibigan nya daw ang tatay ko at binilin ako sa kanya. Iniwan kasi kami ng nanay ko at sumama sa iba. Yung tatay ko naman namatay sa sakit na leukemia.
Pero dinadalaw namin ni papa ang puntid ng namatay kong ama kada taon. Nakakalungkot lang na wala talaga akong maalala sa nakaraan ko. Kung ano ang hitsura ng mga magulang ko.
Wala akong maalala 10 taon ang nakalipas dahil sa aksidente. Pero napakadaming naikwento ni papa at ni Zic sakin tungkol sa nakaraan ko. Di daw talaga ako palakaibigan at l si Zic lang daw ang nag-iisang pinakamalapit sakin. Sobrang bait ni Zic kaya gustong gusto ko sya.
Pero pakiramdam ko napakadami pa ding tanong sa isipan ko. Pero wala naman akong pakielam sa nakaraan. Ang mahalaga maayos kami nabubuhay ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...