Part 2 Chapter 21

159 8 5
                                    

Denise POV

Denise wake up we're here

Idinilat ko ang mata ko. S..si Sir Ciro?
Inayos ko ang sarili ko.

Bumaba na sya ng sasakyan. Tinatanggal ko ang seatbelt ko kahit inaantok pa ko.
Lumapit si Sir at pinagbuksan ako ng pinto.

Di ko makita yung lock. Ang tagal ko ata. Naghihintay na sya. Potek san yung lock neto.

Nakatingin lang sya sakin. Sumenyas ako ng wait lang.
Lumapit na sya at sya yung nag-unlock ng seatbelt. Susme..

"sinasadya mo atang magbagal para ako mag unlock nito" sabi nya habang nakangisi. "gusto mo bang niyayakap kita Denise?"

Ano daw? Assuming. T..Tinulak ko sya.
"huyy sinasabi mo! dun ka nga.. ang lapit mo" mataray na sabi ko.
Pero ayaw pa din nya umatras. Ehh.. ang lapit naman kasi.. as in nakadikit na katawan ko sa kanya.

"tinataboy mo ba ko? Nakalimutan mo atang boss mo ko" bulong nito. Kinilabutan ako kasi nasa tenga ko halos ang labi nya . hindi pa din sya umaalis. Jusko..

"s..sorry po.. ang l..lapit mo kasi.. a..ano po hin..di po maganda tignan"

"wala akong paki"sabi nito. Lumayo na sya at pinababa na ko.

Hayyyyy grabe nakahinga ako ng maluwag. Ano ba tong lakaking to. Hindi mo alam kung manyak o ano.

Pagkababa ng sasakyan. Agad na kong sumunod sa kanya.



T..Teka.. asan kami? Airport? Airport ba to?


"s..sir?? n..nasan po tayo? bakit tayo andito?" ang bilis nya maglakad hayss.

Di nya ko pinapansin. Dire diretso sya maglakad.

"sir san tayo pupunta??" tanong ko na di pa din nya sinasagot. Kainis.

May mga taong lumapit samin at nagbow sa kanya.

Para syang mafia boss.. Yung mga napapanood ko sa tv..

May inabot yung lalaki kay sir Ciro. Passport? Pati sakin ay nag-abot.

Nasettled ko na po lahat sir
-Brent
Yumuko ito at umalis na.

eh?

"ano to? san tayo pupunta?" sabi ko.

"sa japan" -sagot nito.

"japan?! anong gagawin natin dun? bakit dun?"

"dun na tayo titira" -Sir Ciro. Wtf.


"teka teka teka teka nga" humarang ako sa harapan nya. Napakabilis nya maglakad. "ano bang sinasabi mo? bakit tayo aalis ng ganyan kalayo?"

"di ba sabi mo gusto mo lumayo? mag-out of the country tayo.  May meeting ako bukas sa tokyo kaya naisip ko dun ka na lang dalhin. If ayaw mo pwede naman mag follow trip tayo sa country na gusto mo.Wala akong piloto kaya di ko magagamit ngayon ang private plane. So I decided na magpabook na lang. Wag ka mag-alala sa VIP---"

"hep hep hep! ora mismo? pupunta tayo dun? oo gusto ko lumayo pero hindi naman ganyan kalayo.. grabe ka naman.. tapos wala pa kong gamit..wala akong damit? wala akong bra? wala akong panty wala akong pocket money"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon