Part 2 Chapter 14

215 3 6
                                    

Zic POV

"tang*na gawan mo ng paraan?!" sigaw ko sa kausap ko. Padabog kong binaba ang telepono.

Hindi pwede to. Nalulugi na mga negosyo namin ni dad. Hindi kami pwede magkaganito. Binebenta na din namin ibang mga ari arian.

May kumakalaban samin. Alam ko. Sunod sunod ang pagbagsak ng negosyo namin habang sila ay patuloy sa pagpapatayo ng mga establishment sa lugar namin.

Hindi ko kilala ang may-ari pero dinig ko'y may koneksyon sa Davis. Pinakakilalang negosyante sa bansa.

Sumasakit na ulo ko kakaisip! Hindi ko na kayang suportahan si Denise dahil sa dami ng problema ko.

Gusto ko maayos na ang lahat. Gusto ko na magsettle kasama sya.

Sa tagal ng panahon, natutunan ko na sya mahalin. At mas minahal ko sya kesa kay Allison.

Sobrang mahal ko si Denise at masaya akong mahal nya din ako. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya nun at handa akong magbago para sa kanya.

Minsan lang talaga nahihirapan akong iwasang wag kagalitan sya. Napakainitin ng ulo ko. At madalas ko syang mapagbuntungan. Pero hindi ko kaya pag nakikita syang nasasaktan.

Ayaw ni mommy kay Denise, kaya kailangan ko ayusin ang lahat para mapakilala ko na sya. Itatago ko naman ang relasyon namin. Yung kaming dalawa lang, dahil nga ang alam sa buong bayan at sa Villa na matagal nang patay si Denise. Unti unti na rin naman syang nakakalimutan ng mga tao. Umaayon naman sakin ang pagkakataon. Isa pa, hindi naman sya nangungulit tungkol sa nakaraan nya. Napakadali nyang pasunurin sakin.


"wow Zic.. Eto ba talaga bibilhin mong mga model? medyo pricey nga lang sya ayaw mo ba magstart muna sa mga mababa I mean.." si Denise. dumalaw sya sa opisina ko.

"kaya ko yan.. tingin mo ba hindi ko afford magstart sa ganyang price?' seryosong sabi ko.


"h..hindi ah.. Alam ko namang kaya mo" nakangiting sabi nya. "pero kasi.." hindi na natapos ang sasabihin nya dahil biglang lumapit si Franco.


"pare di pa tayo nagsisimula maglaunch? pero may client na tayo para sa gold card membership" si Franco. Kasosyo at matagal ko nang kaibigan.

Balak ko maglaunch ng ibat ibang model ng car. Matagal na namin tong pinagplanuhan at target namin ang malalaking negosyante. Dito ko na rin binubuhos mga perang natira sakin.



"seryoso ba? Pano nangyari yun? Hindi pa tayo nagfufull blast sa marketing? Pero sino daw?" tanong ko.




"pare big client to. Big Big client daw. Hindi pa pinapasabi kung sino. Ang nakausap ko lang eh si Attorney Pascual. Kung kilala mo mga bigatin ang hawak nun kaya sigurado ako dito"


"talaga?" hindi ako makapaniwala. Isang client lang makuha ko mababawi na namin agad yung una kong ininvest. "narinig mo yun Denise.. meron na agad akong kliyente. Wala ka kasing tiwala ata sakin" pagdadrama ko.


Lumapit ito at niyakap ang braso ko. "hindi.. nalulula lang kasi ako sa perang nilalabas mo pero alam ko naman na kayang kaya mo" sabi nya.





Hinawakan ko ang kamay nya at hinarap sya. "basta lagi kang andito sa tabi ko. Wala akong magiging problema ok. Bibilhan kita ng sasakyan na gusto mo pagtapos nito"

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon