Migo POVKinakabahan ako pumasok. Baka makita ko sya.
Hindi naman kami close ni Denise eh. I mean.. Oo everyday kami nagkikita dahil magkababatch. Hindi ko nga alam pangalan nya nun eh. Mukha lang.. Pero di kami nagbabatian.
Nakita ko syang kausap nila Stephen at nagtatawanan. Hayyyy
Napangiti ako buti naman ok na sya.Pasimple akong lumapit sa kanila.
"ohhh pare andyan ka na pala.. Hahahaha natatawa kami dito kay Denise kagabi eh. Ang kulit malasing. Mahal na mahal ka daw nya dahil lang daw sa mga bata kaya sya nagstay" nagtatawanan sila.
Pinipigilan kong wag ngumiti haha. Yun pala yun kaya sila tawanan ng tawanan kagabi.
Babatiin ko pa lang si Denise nang..
"sige alis na ko" sabi nito. Para nya kong iniwasan. Kakadating ko lang aalis agad.
"D..Denise" tawag ko. Lumingon sya. "d..dito ka muna" sabi ko. Pero tinanggihan nya ko.
"may gagawin pa ko" sabi nya. Agad sya naglakad palayo samin.
Nakakainis ang cold pa din nya. Sinundan ko sya ng tingin.
Umupo sya sa isang gilid at kumain ng biscuit. Wala naman syang ginagawa eh. Iniiwasan nya lang talaga ako!
Muling ibalik ang tamis ng pag ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahalSabay sabay silang kumanta.
"wahahahah lapitan mo na pre.. Hindi yung nagkakaganyan ka"
"LQ ata sila. Teka.. Sabay silang umuwi kagabi? Wala ka bang ikekwento samin hahahaha"
"tanginanyo" sabi ko. Iniwan ko sila.
Hindi ko lalapitan yung babaeng yan noh. Edi kung ayaw edi wag.
Pero eto ako ngayon..
Papunta sa kanya.Alam ko nagpapasuyo lang sya tss.
"bakit mag-isa ka lang dyan?" sabi ko "dun tayo"
Ngumiti sya sakin.
"hindi, ok lang paakyat na din ako sa room" tumayo sya para umalis. Pasimpleng iniiwasan nya nga ako. "sige bye"Pinigilan ko sya.
"kausapin mo naman ako" sabi ko.
Tangina bakit parang ngayon ako na yung nagmamakaawa?
~~~~~~~❤~~~~~~~
"ano bang sasabihin mo sakin?" si Denise.
Walang tao dito sa likod ng gym. Kaya dito kami mag-uusap.
"bakit parang nagbago ka?" sabi ko.
"hindi naman ah.. Eto pa din ako" sabi nya. Pilosopo. "sige ha.. Una na ko" naglakad na sya. Nakakainis.
"bakit ba atat na ata ka umalis?!" inis na sabi ko. "iniiwasan mo ba ko?!"
Huminto sya sa paglalakad at hinarap ako.
Walang emosyon ang mata nya na tumingin sa mga mata ko.
"sabi mo tigilan na kita. Sabi mo layuan kita. Ginagawa ko lang naman ang gusto mo. Ayoko na guluhin ka kasi baka saktan mo na naman ako" sabi nya.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...